[ 76 ]

356 11 3
                                    

ZYCKA'S POV

---

" Face here Ms. Cathlyn "

Humarap naman ako sa camera at naglabas ng simpleng ngiti. Photoshoot kasi ito para sa isang sikat na make up brands na ako ang kinuhang model.

" Fierce " sigaw ulit nito.

May aattendan pa akong meeting pagkatapos nito at pagkatapos ay pupuntahan ko pa si Daddy dahil may importante daw kaming pag-uusapan, tsk! I know naman na about to sa arrange marriage na 'yan! Naaawa na ako sa sarili ko. Kailangan ko na ata ng Jowacetamol para may taga light up ng mood naman ako at may ipaglalaban na ako kina daddy.

Pag na meet ko na yung ikakasal ko tapos hihilahin ko yung Jowa ko sabay sabing. " Dad, I want to marry this man whom I really loved " tapos maghahalikan kami sa harap nila daddy pati narin sa lalaking ipapakasal sana sa'kin. " Hindi ko kayang ikasal sa lalaking iyan! Siya ang tunay na mahal ko, ipaglalaban ko siya hanggang kamatayan "

Charlang!

Natapos na ang photoshoot kaya pumasok na ulit ako sa dressing room para mag palit ng damit para sa mangyayaring meeting at meet up with my daddy.

Hindi paman ako nakabihis ay tumunog na ang cellphone ko.

Hay nako!

Kinuha ko ang cellphone ko at tiningnan kung sino ang caller. It's Ziarah.

" Hello kung ano mang sabihin mo ay sabihin mo na dahil busy pa ako at may meeting pa akong aattendan kaya go! " Diretsong sabi ko.

Ilang segundo pa bago ito sumagot. " Nasa hospital kami, may nangyari ulit kay Trixie "

" Naknampowcha! " Maarteng sabi ko. " Nung last month lang nasa ospital yang bruhang yan tas na ospital na naman ngayon? "

" Bilis! "

" Nako girl! Next week na ako pupunta jan dahil may meeting at important keme pa'ko. Nako lagot ako kay padir pag hindi ako sumipot. Pakisabi nalang sa sugat ni Trixie na wait lang. K fyn tnx! " Pinutol ko na ang tawag ko at nagbihis na.

Nagsuot ako ng white crop top tube at black checkered coat sa taas at pinaresan ng high waist black checkered short sa baba para sexy tingnan ang long legs ko. Black 3 inch sandal naman ang sinuot ko sa paa at binun ang buhok. Simple as that, ready na'ko para sa meeting.

Nang makarating na sa place kung saan kami magmemeeting ay wala nang keme keme pa dahil nagsimula na agad ang meeting.

Madaming model ang nandodoon at marami ding mga sikat na mga designers ang sumipot.

Sa gitna ng meeting ay pinakiusapan ako at ang agent ko ni Shion Ly na kunin bilang isa sa mga magmomodel ng mga design wedding gowns niya at dahil sa naging malapit naman itong kaibigan sa akin ay pinagbigyan ko nalang ito kahit hectic na ang schedule ko. May dalawa pa ulit akong tinanggap na fashion show mula sa mga sikat din na mga designers at laking salamat ko naman dahil sa sumusunod na buwan pa ito. Birthmonth ko ata.

Dinagdag naman na ito ng agent ko sa schedule ko at ang iba namang schedule ko ay in adjust niya. Pagkatapos naman ng event na ito ay birthday ni Trixie ang dadaluhan ko at pagkatapos sa susunod na araw naman ay dadalo ako sa isang Gucci event pagkatapos ay aattend ng meeting sa Canada sa susunod na week patungkol sa mga business namin at sisimulan nanaman ang pagpapaupgrade ng restaurant namin at ang pagbuild ng iba't ibang branches sa iba't ibang lugar dito sa Pilipinas. Idadagdag pa ang engagement keme ko. Haynako!

kalahating minuto pa ang itinagal bago natapos ang meeting namin.

Nagpaalam na ako kay Shazey, agent ko na uuwi na dahil may importante pa akong gagawin. " Sige, mag-ingat ka Cathlyn! " pagpaalam niya bago pumasok sa sasakyan niya.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now