[ 23 ]

1K 44 0
                                    

ZIARAH'S POV*

Nalulungkot ako ngayon, hindi dahil wala si Ashton pero parang may part din na ganun na nga.Pero bago isipin ang rason kung bakit ay paano kung masundan siya ng mga kalaban? Walang magtatanggol sa kanya? Mas mabuti kung nakaalis kaagad siya ng bansa ng hindi nasusundan. Sino kaya ang kasama niya?

Dahil sa hindi namin suot ang mga relo hindi namin mat-trace kung saan na ang mga subject namin. And obviously, I can't detect him only with my stealthy watch.

Pero mas nanganganib ang buhay ng subject ni Zycka ngayon. Because he's very close to the enemy.

Lahat kami ngayon ay may suot na gun pockets under our gown sa bandang knee namin na obviously may gun.

Agaw eksena ang pagpasok ni Criza kanina dahil sa suot suot niyang itum na Gown. Mas ipinahalata niya ang kasamaan niya through the gown.

Lumapit sa amin nina Zycka,Xiah,Trixie ang naka gold na gown na babae, obviously my ate. Nakabalik nadin sina Trixie at Xiah galing sa mga date nila. At kakatapos ko lang ding i observe ang mga tao dito sa hall.

"Agents, the enemies are now spreading. Secure your subjects. Ziarah, go find your subject. Nakuha na siya ng mga kalaban."Sabi ni ate na nakapagpalakas ng pintig ng puso ko " Ready yourselves in Ten.. "

Parang huminto ang daloy ng dugo sa buong katawan ko dahil sa naririnig ko mula sa nakakatandang kapatid ko. This can't be.

"nine"

"eight"

"seven"

"six"

"five"

"four"

"three"

"two"

Dahan dahan kong kinuha ang clip sa buhok ko at hinayaang bumaksak ang aking mahabang buhok.

Pinindot ko ang mini button ng clip at bigla nalang itong naging kutsilyo. I just turned my ring into an earpiece and that's also what my friends do.

Bigla nalang namatay ang lahat ilaw..

Kinuha ko ang bilog kong eyeglasses. It is useful because I can still see even if it's dark with those eyeglasses.

Pinunit ko hanggang tuhod ang gown na ibinigay sa akin ni Ashton gamit ang clip kong maging kutsilyo. Ganon din ang ginawa nina ate at ng tatlo ko pang kaibigan.

Dinig na dinig ko ang sigawan at tilian ng mga babae dahil narin sa putukan na nagmula sa labas. Dang this!

Lord ipapaubaya ko nalang po sa inyo ang lahat.

Lahat ay napalitan ng ingayan. Hindi man lang pinasimula ang event.

"Find the royalties now" Sigaw ni ate at tumakbo na sa kabilang parte para sundan ang iba pang kasamahan.

Nagkawatak watak naman kaming apat at hinanap na ang mga royalties, including Luke. Alam naming may agent ng nakahawak sa posisyon ng pagliligtas kay Luke pero dahil hindi padin namin sigurado ay hahanapin pa din namin ito.

Madaming kasamahan ang nagkalat at ganon na din ang mga kalaban.

Paakyat na ako ng third floor ng may mahagip ang mata ko. A person wearing a black hoodie. Teka yun din yung nakita kong naglagay ng black Envelope sa Locker ni Ashton ah!

Palihim ko siyang sinundan at nakita kong papalapit siya sa isa pa niyang kasamahan kung saan may binabantayan ito at nakita ko doon si Ashton na naka pikit,duguan at may tape ang kaniyang bibig.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now