[ 73 ]

415 14 3
                                    

TRIXIE'S POV

---

Kasalukuyan akong naka pila dito sa counter ng isang grocery store na pinakamalapit sa bahay namin.

Why the hell ako pa kasi ang free sa bahay? Ako pa tuloy ang nautusan mag grocery. Ba't ba kasi wala yung ibang mga maids namin? Duh! Napapagod ang beauty ko.

Kanina pa ako dito ngunit parang wala paring nangyari sa pwesto ko. Ang hina naman ng service dito, my God!

Ilang minuto pa ang hinintay ko at finally, ako na ang kasunod ng isang grandma.

Hahakbang na sana ako ngunit may isang katangkarang lalaki ang sumulpot sa harap ko na dala dala yung cart niya.

Tila ba umakyat lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa nangyari.

My holly God! Kanina pa ako nakapila dito tas siya susulpot lang bigla? Ano siya? Himala?

Nakita ko namang inentertain na agad siya ng cashier at yung dalawa naman sa kabila ay tinintingnan na ngayon ang lalaki na nasa harapan ko. Nagbubulungan pa sila at naghahampasan dahil sa kilig ata.

' My gosh! Nakakadiri '

Tiningnan ko kung sino ang lalaking nasa harap ko at mas lalo akong nainis ng mapagtanto kong si Travis ito.

This world is so small talaga. My God!

Hindi ko na napigilan at lumapit na sa counter. " Excuse us miss " I said and point the people next in me. " We're nakapila na here for almost one hour , tapos this guy right here ay hindi man lang pumila pero in entertain niyo na agad? Oh my gosh! Ang pangit ng service niyo. " sabi ko sa cashier, but she just gave me an apologetic eyes. Wow! I can't believe this.

Tiningnan naman ako ni Travis at itinaas pa ang kanang kilay nito. Binalik ko ang tingin ko sa mga cashier. " Don't settle your eyes in just one guy. " Mas kumunot naman ang noo ni Travis.

Hindi ko ulit ito pinansin at bumalik nalang ulit sa likod niya. Nagtagal pa siya sa harapan ko dahil nakikipagharutan pa siya sa cashier kaya kahit naiinip na ako ay hindi ko nalang ito pinansin.

Baka sabihin nito kulang pa ako sa pansin.

Ilang minuto pa ang lumipas at sa wakas ay umalis na siya kaya sumunod naman agad ako.

Pagkatapos nun ay nagdrive na ulit ako pauwi.

Sa sumunod na linggo naman ay ako ulit ang nautusang mag grocery dahil nilalagnat si manang kaya um-oo nalang ako, ngunit hindi na'ko dun sa nakaraang grocery store nag grocery. I don't want to cross paths with him again.

Pero tila ba pinagtripan kami ng panahon dahil nagkita ulit kami.

Kukunin ko na sana yung oatmeal na napili ko ngunit kinuha din niya ito. Oh my gosh! Nauubos pasensya ko dito

" I touch it first. " Sabi niya.

Hindi ko nalang ito pinansin at kumuha nalang ng dalawang oatmeal sa tabi ng napili niyang oatmeal at inilagay ito sa cart ko at pagkatapos nun ay pumunta na'ko sa counter para magbayad.

The next day ay naisipan kong mag shopping, pagnakita ko pa siya ay sasabunutan ko na talaga siya promise.

Nakakainis kasi presence niya!

" Sa'n ka girl? " tanong ni Zycka sa'kin.

" Nasa bahay, planong mag shopping. " I said.

Tumawa siya sa kabilang linya. " Sanaol free mag shopping. "

I giggled and answer her. " Sanaol nag model. "

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now