[ 71 ]

364 12 6
                                    

---

Hindi ko na siya hinintay at tuluyan ng lumabas ng kompanya. Aba't bakit ko naman siya hihintayin? Ang swerte niya dun ha!

Binuksan ko na ang sasakyan ko at natigilan saglit. " Diba sa Palawan yun? " Oh My God! I was out of my mind.

May narinig akong tumawa sa bandang bintana ng kotse ko kaya napatingin ako doon at binuksan ito ng half. " Mag da drive ka patungong Palawan? " natatawa niyang tanong. " Good luck, ganda ng sasakyan mo ah pwede sa dagat. " sinamaan ko siya ng tingin.

" Ba't sa Palawan? " Tanong ko sa sarili.

" Aba malay ko " 

" Hindi kita tinatanong! " He chuckled again.

Oh My God! Does this mean..? Magsasama kami sa Palawan? Oh My God! It will take big time to make this project stable, magsisimula palang kami kaya kailangan talagang magkasama kami from time to time. Kung multi billionaire lang ako ay ililipad ko lang ang Manila to Palawan para hindi lang siya makasama o di kaya'y bibili ng sariling bahay doon. Crap this! I really hate Ziarah, hindi man lang ako binigyan ng konting oras bago pag-isipan ang pagpirma sa kontrata.
Ang malas ko naman.

" May bahay ako sa Palawan. You can stay there with me if you want. " Kumindat pa siya sa'kin kaya mas lalong kumulo ang dugo ko.

Parang kanina lang galit siya sa'kin. Ngayon naman kumikindat na ang gago.

Is this his way to make me fall for him again? Aww sorry for him, hindi ako marupok katulad ni Ziarah o ng kaibigan niyang si Lee.

" No thanks! Mag hohotel nalang ako. "

" Oh ang yaman, bakasyon lang ang trip. " mangha niyang sabi at pinipigilan ang sariling matawa. " Make sure to bring hundred of thousands, isang buwan tayo doon. " He bit his lower lips to hide his laugh but the amusement in his eyes is clearly to see. Dang!

" Mas sisiguraduhin ko nalang ang sarili kong nakatira sa isang may bayad na lugar kesa ang makasama ka ng libre. "

" Anong pumasok sa isip mo at iniisip mong libre offer ko? "  Natatawa niyang tanong sa akin.

Napangiti ako sa kaniya. Let me hit you with this word bruh! " Dahil EX mo ako. " I said emphasizing the word 'Ex' para matauhan 'tong lalaking 'to.

Inaakala kong tatahimik siya kaya nagulat ako nung tumawa ito. " Alok ng ex pala ang gusto mo edi okay. 50,000 for the whole month, total rich ka naman. Kasama na yung foods, tubig, at electricity. " Ngumiti ito habang nakasandal padin sa nakahalf open kong bintana kaya naisipan kong i close ito ng bigla para maipit yung leeg niya. Good idea! Isasarado ko na sana nung nagsalita ulit siya. " Can you be my sugar mommy? " Nabilaukan ako sa sarili kong laway sa narinig ko kaya mas tumawa ito.

" Hell no! "

" Edi Girlfriend ko ulit? " Alok niya pa ulit kaya napahinto ako at tiningnan siya sa mga mata niya.

" Sorry may boyfriend na ako. " Natahimik siya sa sinabi ko at biglang sumeryoso ang hitsura.

Oh? Ano? Galit ka nanaman?

" Pack your things and book your ticket, huwag mong kalimutan ang mga gamit mo sa trabaho at huwag mo ding kalimutang mag paalam sa BOYFRIEND mo. Sabihin mong may trabaho ka kasama ang EX mo, dahil ayaw ko ng gulo. " Dire diretso niyang sabi at umalis na. Wow! Rapper ata si kuya niyo.

Okay magpapaalam ako sa BOYFRIEND ko kuno. Halatang nagseselos! Ang ganda ko naman at limang taon na ang dumaan ay ako padin gusto niya. Haba ng hair.

Nung nakauwi na ako sa condo ko ay inayos ko na ang mga gamit ko na dadalhin ko sa Palawan para sa trabaho.

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong sinagot. " Xiah, are you free? " Tanong ni Jake sa kabilang linya.

" I'm packing up my things. Ba't ba? "

" Valentine's ngayon, let's celebrate it together. La akong ka date. " Malungkot na sabi niya.

" Biruin mo ang pagong Jake! Oh sige,sunduin mo'ko dito, tinatamad akong mag drive. " Sabi ko sa kaniya. Siyempre I'll celebrate Valentine's Day, bukas nalang ako mag bobook ng ticket to Palawan. Kung papipiliin akong mag stay o pumuntang Palawan aba siyempre pipiliin ko yung stay. Mag stay sa kaniya. Yiieee, ulol!

Kinuha ko ang luggage ko at ipinagkasya dun ang mga gamit ko para sa isang buwan.

My nag doorbell naman at tantiya kong si Jake na ito kaya lumapit na ako sa pinto.

This is weird. Hindi nag dodoor bell si Jake, he's more on calling me to open the door than pushing the door bell.

Bago ko buksan ang pinto ay sinilip ko muna ito sa peephole. Mahirap na baka kung sino pa yung biglang lilitaw. Pagsilip ko ay wala akong nakitang tao.

Ano yun multo? Kalaban?

Mas lalong nag-uunahan ang pintig ng puso ko ng makatanggap ako ng mensahe galing kay Jake na nagsasabing na traffic pa daw siya kaya mapapatagalan siya ng onti.

Hindi talaga yun si Jake.

Shit!

Dali dali kong kinuha ang baril Beretta M9a3 kong may silencer at bumalik na ulit sa pwesto ko kanina sa pinto.

Dahan dahan kong binuksan ang pinto at inikot ko agad ang baril ko sa kamay ko para sa mas mabuting posisyon nang pagtutok, ngunit wala akong naabutang tao sa labas.

What the fvck is going on?

Lumingon lingon pa ako ngunit wala talaga akong nakitang tao at nakasarado naman lahat ng pinto ng iba pang mga unit.

Hindi naman kami close ng mga taong may-ari ng katabi at tapat kong mga unit ah!

Papasok na sana ulit ako sa loob ngunit may naapakan ako. Tiningnan ko kung ano ito kaya mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

Kinuha ko ito at pumasok na ulit sa loob at ni lock ang pinto.

" They're back with this game again. Dang this letter! " Bulong ko sa sarili.

Tiningnan ko muna ang sealed ng letter.

Napatawa ako ng bahagya. " I didn't expect receiving a letter from him this Valentine's ha! Hindi man lang isinulat sa pulang papel, kahit kailan talaga ang sweet. " Natatawang ani ko. " Hay, hindi talaga pinapalampas ang mga special events. Hindi na talaga ako mabibigla kung isa sa'ming apat ang mamamatay during event. Char lang, sila dapat ang mamatay!" Bulong ko sa sarili matapos tingnan ang itim na letter na malamang ay galing sa isa saming mga kalaban.

Binuksan ko ito at binasa.

' Wait for my present in an unexpected month. Enjoy your remaining days.

Happy Valentine's Day! '

-Yours truly

Tsk!

Only fool makes threats and the one who feel threatened is another fool.

I don't want to be called fool, so I'm not threatened.

Inilapag ko ang letter sa mini table ko dito sa kwarto. Baka magtampo pa kasi sila pag itinapon ko 'to eh!

---

: )

---





 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now