[ 11 ]

1.1K 45 0
                                    

ASHTON'S POV

Di paman naka abot ng isang oras ay tumayo na si Ziarah at naglakad papunta sa table na nasa tabi ko at may inilagay na papel dun at flashdrive.

Bumalik naman sya sa table niya at inilagay ang braso don at ipinatong ang ulo.

WTF?

Matutulog lang ba sya?

"Hoy Ziarah! anong gimagawa mo?bakit ka matutulog hoy!?gawin mo yung pinapagawa ko."Sigaw ko sa kaniya.

"Tapos na lahat" sagot niya.

What? sabi niya kani kanina lang na hindi nya alam kung paano i on ang PC ah? imposible!

"Sabi ngang mali ang iniisip mo "sarkastiko niyang sabi.

Nababasa ba niya yung utak ko? pambihirang babae.

"Pinag-iisipan mo ako ng bobo nu? kesyo naka pasok ako sa special section eh hindi naman pala ako marunong mag on ng PC!" may lahing manghuhula ba siya?

"H-Ha? " tanong ko dito.

"Ha?Halata ka boi! "sarkastiko parin nitong sabi"Matutulog na muna ako, manggugulo sasapakin ko!"Sabi niya at binalik na ulit kung anong ang pwesto niya kanina.

Abnormal to ah! May super powers ba'to?

"Ash bili muna kami ni Laura ng snacks! "Si Luke

"Sige lang"Sagot ko sa kanila.

Nung naka alis na sila binalik ko ulit ang atensyon ko sa aking trabaho. Ngunit nahagip ng mga mata ko ang natutulog na si Ziarah. Ano bang meron sa babaeng 'to?

Malaki ang T-shirt, Nakapantalon lang samantalang yung iba chic, black na sneakers na hindi mo madalas makitang sinusuot ng karaniwang babae, nakasuot ng malaking salamin,naka bun ang buhok. She got looks pero bakit ba?!

Bakit ba sa school pa namin kayo pumasok?

Kaaway ko kasama ko ngayon dito? isn't it funny?

Tinanggal ko ang malaki niyang salamin at tinanggal ko na rin ang naka bun niyang buhok at tinitigan sya.

Tinitigan ko sya ng matagal, wala namang makakakita sa akin. Hindi naman sya pangit tulad ng mga sinabi ko pero pangit parin siya! May makinis at maputi itong balat, matangos na ilong,nmahabang pilik mata, makapal na kilay na bagay naman sa kanya. Hindi niya na rin kailangan mag lipstick dahil sa normal na mapupula ang kanyang labi. She's pretty but her attitude make her ugly.

Mayabang, pa cool, masungit, pero pinagtatanggol naman niya mga kaibigan niya. Ay ewan!

Ganyan ka nalang sana lagi! ang bait mo tignan pag natutulog ka!

Bakit ba tinititigan ko ito? Tangina!

Ibinalik ko na lang ulit ang atensyon ko sa aking trabaho. Nakakaloko!

---

Hindi pa ako makatulog ng maayos dahil ramdam kong may nakatitig sa akin.

Di nagtagal tinganggal na ang aking malaking eyeglasses. Shit!

Pati ang naka bun kong buhok ngayon ay naka lugay na. Pakialamero!

Lumipas ang ilang minuto hindi ko na ramdam ang mga titig niya kaya medyo komportable na ako para matulog kaya hindi ko namalayang tuluyan na pala akong naka tulog.

"Zi gising na tanghali na! " Boses ni Zycka.

Napabangon agad ako sa narinig. Dali dali kong tiningnan ang relo ko.

 Protectors of The Four Royalties(On Going)Where stories live. Discover now