Mula sa direksyon ng Ang Hari ng Angas, Gwapong Gago, Alyas Kanto boy at Alyas Pogi
Dongjun as Gomer
*********
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Dec 20, 2018
"Kasalanan ko rin naman kung bakit ako nasasaktan ngayon. Naniwala ako na ang pag ibig ay isang magandang sayaw, ang akala ko ay nakakasabay pa rin ako sa ritmo nito ngunit habang tumatagal ay hindi ko namamalayang unti unti na pala akong nawawala hanggang sa dumating ang oras na hindi ko na alam kung paano umindak muli." ito ang mga katagang namumuo sa aking isipan habang naka tanaw sa walang katapusang pag daloy ng tubig sa talon na nag mumula sa itaas ng bundok.
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan kasabay nito ang marahang pag bagsak ng aking katawan malamig na tubig ng ilog. Hinayaan ko ang aking sarili na nakalutang dito habang tinatanggay ng agos patungo kung saan..
"Nag kamali ba ako sa sayaw na aking pinili o baka naman hindi lang ako marunong sumabay sa ritmo nito? Ang sayaw ng pag ibig.. Ang bumago sa takbo ng aking buhay.."
Part 1
Tawagin nyo ako sa pangalang Ernest, ako ay nasa ikatlong baitang kolehiyo sa kursong Business Administration, pumapasok ako sa isang pribadong paaralan bilang isang iskolar. Ako ay 21 taong gulang, 5'8 ang taas at may maayos na pangangatawan.
Lumaki ako sa probinsya ng Nueva Ecija, sa isang payak na pamumuhay sa paanan ng kabundukan na napapaligiran ng malawak na bukirin. Solong anak lamang ako ng aking mga magulang. Bata pa lamang ako noong ang aking ama ay sumama sa isang babaeng nag tatrabaho sa Japan, kaya naman napilitan ang aking ina na lumuwas sa malayong siyudad para mag trabaho. Iniwan ako ng aking ina sa pangangala ng aking tiyahin.
Ang aking ina ay nanilbihan bilang isang kasambahay sa isang mayamang pamilya doon sa malayong siyudad. Minahal siya at itinuring na kapamilya ng kanyang mga amo. Sina Mister at Misis Raval, sila ay pamilya ng negosyante at mga propesyonal kaya maunlad ang kanilang pamumuhay.
Halos labing limang taon tumagal ang aking ina sa pag ttrabaho sa kanilang pamilya bago ito nag desisyon na umalis dahil sa isang karamdaman. Bilang pasasalamat ng pamilya Raval sa kanyang tapat at mahabang serbisyo ay kinuha nila ako at dinala sa siyudad upang pag aralin. Pero kalakip noon ang pag tulong ko at pag alalay sa kanilang nag iisang anak na si Gorien Raval.
Halos tatlong taon na akong nakatira sa kanilang tahanan, maayos ang pakikitungo nila sa akin, binibigyan ako ng allowance, mayroon akong sarili silid sa gawing likod ng kanilang bahay. Maayos naman ito at malinis, malayo lamang ito sa gawing sala at sa kusina ng kanilang magarbong tahanan. Kapag walang pasok ay madalas akong makikita sa bakuran ng kanilang tahanan, nag lilinis, nag dadamo o kaya ay tumutulong sa mga kasambahay. Hindi ko naman ito obligasyon ngunit naka sanayan ko na rin sa pag lipas ng mga buwan.
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...