TLP Part 32

8.4K 343 13
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 20, 2019

Part 32

Muling bumalik sa normal ang magandang samahan namin ni Gomer. At sa pag lipas ng mga araw ay batid kong mas lalo pang nagiging maayos ang aming relasyon. Tuwing weekend ay nag lilibot kami, nanonood ng sine, tumatambay sa sea wall, at kumakain sa labas. Parang barkada lang kami sa mata ng publiko pero kapag kaming dalawa na ang mag kasama sa iisang silid ay halos umaabot kaming ng mag damag sa pag tatalik. Wala ring kapantay ang aming lambingan na mas pinapatibay pa ng mga suportang nag mumula sa aming mga kaibigan sa labas.

Madalas pa rin nag ttxt o tumatawag si Isabel, batid kong gustong gusto niya si Gomer at siyempre ay gusto rin ng mga magulang ni Gomer ang dalaga para sa kanilang anak. Madalas ay ito ang topic nila kapag sama sama silang kumakain ng hapunan habang ako ay abala sa pag aasikaso sa buong pamilya. Siyempre ay katulong pa rin ako ni Gomer at ng mag asawa, iyon pa rin ang aking trabaho. Halos double duty na ako sa buhay ni Gomer, bilang kanyang taga alalay at kasintahan. Sa kanya na yata umikot ang buhay ko sa loob ng ilang taon, walang mintis at walang patid ang aking pag sisilbi para sa kanya.

"Anong iniisip mo?" tanong ni Gomer habang nag ddrive

"Paano kung dumating ang araw na ipakasal ka nila kay Isabel?" tanong ko

"Ipakasal? Hindi naman kami intsik para gawin iyon. Hindi uso ang arrange marriage dito sa Pinas."

"Pero mayaman kayo. Lahat ay posible. Paano ako?" tanong ko naman

"Gago lang ang mag papatali sa taong di niya mahal. Saka bakit ba ang advance mong mag isip at napaka nega mo pa?" tanong niya

"Nag aalala lamang ako lalo madalas si Isabel sa bahay, paminsan minsan ay siya na nag luluto para sa mga magulang mo. Para bang pina practice na niya ang pagiging manugang."

"Oh edi mag practice siya hanggang gusto niya. Wag kana nga mag isip kung ano ano." ang wika niya sabay halik sa aking labi.

Kung minsan talaga ay hindi ko maiwasang mag alala lalo na sa mga bagay na alam kong hindi ako mananalo kahit na pilitin ko pang lumaban. Kung bakit kasi ang ganitong relasyon ay sadyang napakahirap dalhin dahil hindi ito tanggap at nauunawaan ng lubos ng nakararami. Kaya kung minsan ay itinatago nalang ito at sinisekreto, kaya naman sobrang laki ng pag hanga ko sa dalawang lalaking mag kasintahan na hindi natatakot o nahihiyang mag pakita ng pag mamahal sa isa't isa kahit pa sa mata ng publiko.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon