TLP Part 27

7.8K 360 27
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 17, 2019

Noong gabing iyon ay pinag usapan namin ni Gomer ang tungkol doon. Nangako siya sa akin na walang dapat ipag alala, bagkus ay uuwi siya ng maaga dahil may session ang kanilang barkada nila sa compound. Ilang beses rin niya akong hinalikan sa labi bago tuluyang lumabas ng aking silid.

"Goodnight. I love you." bulong niya sabay sara sa aking pintuan.

Part 27

"So pumayag ka? At pumayag rin si Gomer na sumama sa mga magulang niya para makipag family date with his ex?" tanong ni Yel

"E, wala namang choice. Pwersahan siyang pinasama ng mga magulang niya. Alangan namang mag transform ako bilang katipunero at mag aklas sa magulang niya para huwag itong isama? Isa pa ay nangako sa akin si Gomer na mag bebehave siya." tugon ko

"Kapag nangako ang isang lalaki na mag b-behave sila ay doon sila gagawa ng kautuan." tugon niya.

Halos mag dadalawang oras na pala mag buhat noong umalis si Gomer at ang kanyang mga magulang. Kanina ay katext ko pa siya, ngayon hindi na siya nag reply pero inunawa ko nalang na baka pinag bawalan na siyang humawak ng cellphone habang kaharap ang pamilya ng Isabel na iyon.

Noong mga oras na iyon ay halos hindi ako mapakali, nakatambay ako sa sala at maya maya ay lilipat ako sa balkunahe. Ang totoo noon ay hinihintay ko sina na umuwi. Tingin ako ng tingin sa aking cellphone o sa orasan. Lalo lamang akong naiinip dahil masyado mabagal.

Alas 10 ng gabi noong makabalik ang sasakyan nila Gomer. Agad kong binuksan ang gate para salubungin sila. Mula dito ay bumaba sina Mister and Misis Raval pero wala si Gomer. Sinilip ko siya sa loob ngunit wala ang bakas niya dito. "Nasaan po si Gorien?" ang tanong ko na may halong pag tataka.

Natawa ang ama ni Gomer. "Ang lahat ng ito ay set up namin. Ngayon ay isinama ng pamilya ni Isabel si Gorien para sa isang out of town. Siguro ay pag kakataon na rin para mag kasundo ang dalawang iyon. Alam mo iyon, kita kita ko sa mata ni Isabel na may pag tingin pa rin siya para kay Gorien. Pati ang mga magulang nito ay humahanga sa background ng aming anak."

"Bakit sumama si Gorien, paano yung mga trabaho niya sa council?" ang tanong ko

"Ang lahat ng trabaho niya sa council ay ipinasa muna sa kanyang vice president. Dalawang araw lang naman mawawala si Gorien. Babalik rin siya sa Biyernes." sagot ni Mister Raval

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon