TLP Part 16

11.4K 436 24
                                    

Dongjun as Gomer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Dongjun as Gomer

*******

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 12, 2019

Napahawak ako sa aking dibdib at dito agad akong pumasok sa aking silid. Ibayong kirot ang naramdaman ko noong mga sandaling iyon. Hindi ko naiwasang mapaluha sa matinding kirot na wariy tinutusok ng kung anong patulis na bagay ang aking puso. Wala akong magawa kundi ang damahin ang kalungkutan at ibaluktot ang aking sariling tuhod na parang isang fetus.

Part 16

Si Gomer ay nag uwi ng babae at harapan niya itong hinalikan. Paminsan minsan ay tumitingin pa ito sa akin na para bang sinasabing panoorin ko kung paano niya papakin ang katalik. Hindi ko alam kung sinasadya ba niyang pasakitan ako pero epektibo ang kanyang ginagawa. Kung ang kanyang matatalim na salita ay kaya ko pang yakapin at tiisin, pero mag makita siyang nakahubad habang nakikipag talik sa iba ay hindi ko kakayanin.

Patuloy sa pag patak ang aking luha habang naka tagilid at naka baluktot na parang batang api.

Panandalian kong ipinikit ang aking mata at binigyan ng layang ipahinga ang aking sarili.

Tahimik..

Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakatulog naramdaman ko na lamang na may humiga sa aking tabi at inilingkis niya ang kanyang kamay sa aking tiyan. Niyakap nya ako ng mahigpit at dito ay naramdaman ko ang kanyang mainit na hininga na dumadampi sa aking batok. Pinilit kong huwag kumibo at pakiramdaman ang kanyang ginagawa sa akin.

Nasa ganoong pag kakayakap siya noong marinig kong humihikbi ito na parang umiiyak, sumisinghot na parang may luha, ewan mahirap ipaliwanag ngunit direkta kong nararamdaman ang kanyang pag tangis.

Hinayaan ko siyang naka yakap sa akin at makalipas ang ilang sandali ay tumagilid ako paharap sa kanya. Nanatili siya naka tagilid rin paharap sa akin dahilan para mag tama ang aming mga mata.

Hindi kami nag uusap, titigan lang na para bang nakaka intindihan ang aming mga mata. Kahit walang salita ay nararamdaman ko ang mga bagay na nais niya ipabatid..

Maya maya ay gumalaw ang kanyang kamay at inilagay ito sa aking pisngi. Hinaplos niya ito ng maigi at nag wika "Im sorry. Sinadya kong saktan ka dahil nag seselos ako. Sinadya kong pag selosin ka rin at pasakitan ngunit mas dobleng sakit ang nararamdaman ko. Tang ina, hindi ko alam e basta nagising nalang ako isang araw na ikaw na ang hinahanap hanap ng aking mga mata. Nag gagalit ako kapag may ibang lalaki na umaaligid sa iyo dahil ayokong gawin mo rin sa kanila ang ginagawa mong pag aalaga at pag aasikaso sa akin. Ayokong maranasan nila kung gaano ka kasarap mag mahal. Maramot ako at ang gusto ko ay akin ka lang." ang wika niya na parang nahihiya ngunit ang luha ay unti unting tumutulo sa kanyang mga mata.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon