TLP Part 18

9.4K 406 21
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 13, 2019

"Nais ko sanang makausap ang mga magulang ng pasyente tungkol sa kanyang kondisyon. Sensitibo ang ulo ng isang tao, labis itong napurohan kaya maaaring mag resulta ito ng pag kasira ng bahagi ng kanyang utak na nag papatakbo sa kanyang katawan. Sa makatuwid ay comatose na ang pasyente. Sana ay pauwi mo agad ang kanyang mga magulang para mapag usapan namin kung ano ang magandang medikasyon para sa kanya." wika ng doktor.

Parang may kung anong bomba ang sumabog sa aking harapan, hindi ako makapaniwala na comatose ang sinapit ni Gomer, lalong nanikip ang aking dibdib at wala akong nagawa kundi ang mapa atras sa aking kinatatayuan at mapaiyak na lamang..

Part 18

Sobrang kaibiguan at kalungkutan ang aking naramdaman noong mga sandaling iyon. Ang lahat ay parang napaluha noong malaman nila na si Gomer ay nasa state ng coma. Halos bumagsak ang aking kaligayahan at pati na rin ang aking mundo. Hindi ko matanggap na ang pang yayaring iyon ang babago sa takbo ng aming buhay.

Walang humpay na pag iyak ang aking ginawa habang naninikip ang aking dibdib. Pakiwari ko ay sasabog ito ano mang oras. Wala akong nagawa kundi ang lumuhod sa walang malay na katawan ni Gomer at hawakan ang kanyang kamay.

Noong mga sandaling iyon ay unti unting nag balik sa aking isipan ang lahat ng masasayang araw na aming pinag samahan. Parang kaninang umaga lamang ay mag kayakap kami at pinag sasaluhan ang maliligayang sandali, ngayon ay luha naman ang aking itinatapon para sa kanyang kalagayan na walang kasiguraduhan.

"Diyos ko, huwag mong pabayan ni Gomer, hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Please.." ang pag iyak ko habang hinagkan ang kanyang kamay

"Gomer, gumising ka. Please.. naririnig mo ba ako?"

"Gomer, please.."

"Gomerrr!!!" ang impit kong sigaw at nasa ganoong pag iyak ako noong may maramdaman akong tumapik sa aking balikat.

"Hoy Ernest, gising! Nanaginip ka nanaman. Bakit tinatawag mo si Gomer?" ang wika ni Yel

Noong bumalik ang aking ulirat ay para bang lumuwag ang aking dibdib. Naka hinga ako ng maayos at nawala ang sakit na aking nararamdaman. Panaginip lang pala ang lahat. "Nasaan si Gomer? Anong lagay niya?" tanong ko

"Kanina pa gising si Gorien, hinahanap kana niya. Nandoon na yung mga kabarkada niya sa silid." ang wika ni Yel kaya naman napangiti ako at para bang gumuhit ang kakaibang sigla sa aking katawan noong sabihin niya gising na si Gomer. Hindi siya comatose at ligtas na siya!!

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon