Dongjun as Gomer..
*****
PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 8, 2019
"Sige kunin mo na yung mga gamit at ipasok mo sa sasakyan. Pupunta na tayo ngayon doon." utos niya sabay abot sa akin ng lahat ng mga gamit niya.
At katulad nga ng set up, nag punta kami sa compound. Dito ay huminto kami sa isang lumang bahay na tahimik at parang walang tao.
Tahimik..
Lumalakad kami patungo sa pintuan at noong pihitin ni Gomer ang door knob ay nabigla kami sa aming nasaksihan.
Part 11
Gulat na gulat kami ni Gomer noong binuksan namin ang pintuan, nanlaki ang aming mga mata sa nasaksihan.
Sumalubong sa amin ang maraming tao at kinamayan kami ng mga ito. "Ating salubungin, si Brother Gomer at ang kanyang alalay ang ibig kong sabihin ay si Brother Ernest! Palak pakan!!" ang boses ni Shan Dave sa mikropono.
"Alive alive! Alive! Si Jesus ay alive! Alive forever more!! Sing Halleluja!" ang pag awit nila.
"Ano to?" ang tanong ni Gomer habang napapakamot ng ulo.
"Parang prayer meeting." ang sagot ko naman. "Saka bakit mo sa akin itinatanong e pakana ito ng mga kabarkada mo."
Habang nasa ganoong pag tataka kami ay siya namang pag lapit sa amin ng isang lalaki. Naka ngiti ito at agad akong kinamayan. "Welcome Gomer!" ang wika nito.
"Teka, ako si Gomer. Mas gwapo ako diba? Mas hunk ako at mas malakas yung dating. Hindi pwedeng maging si Gomer iyan." reklamo ni Gomer noong mamali ang lalaki sa pag kamay na parang ayaw pumayag na maging ako siya.
"Oo siya nga si Gomer." sagot ko naman habang natatawa.
"Ah ganoon ba, sorry pareho kasi kayong naka uniporme. Ako nga pala si Jomar. Kaibigan nina Bogs at iba pa doon sa compound. Salamat sa pag dalo sa invitation namin ni Yani." ang naka ngiting sagot nito.
"Si Yani iyan? Naka suot ng pang madre? Madre ba siya?" ang tanong ni Gomer.
"Ano ka ba papa Gomer, costume lang ito. Dito kasi sa compound na itey talagang inilalapit namin sa Panginoon ang mga kalalakihan dito, hindi pwedeng puro pa gwapo lang at pa hitit hitit ng bisyo. At ngayon ay natutuwa kami na kasama ang bagong recruit nila. Ang pinaka "huling" pogi sa grupo. Ang ibig sabihin noon ay ikaw ang pinaka finale sa alyas, kumbaga sa top 5 ikaw ang pinaka huling tinawag sa finalist! Winner talaga!" ang maarteng wika nito
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...