PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 15, 2019
Marami pa silang pinag kwentuhan habang kami ay kumakain, ngayon ko lang nakita si Gomer na ganito ka daldal, parang isang bata na nag kkwento sa kanya ina ng tungkol sa lahat ng kanyang pinag dadaanan.
Naka guhit lamang ang matamis na ngiti sa aking labi habang pinag mamasdan silang masaya. Ito na yata ang pinaka maligayang araw sa aking buhay, ang makita na mag kasama ang dalawang taong bumubuo ng aking pag katao.
Part 22
Dahil nga naipangako ko kay Gomer na maliligo kami sa ilog, umaga palang ay dinala ko na siya doon. Ito ang pinaka magandang tanawin sa aming lugar. Ang tubig na malinaw at malamig na dumadaloy sa mga batuhan ay nag mumula sa itaas ng bundok. Tuwing summer ay madalas itong pinupuntahan ng mga taga ibang bayan sa naiibang ganda at kalinisan.
Halos mamangha naman si Gomer sa ganda ng tanawing kanyang nasisilayan. "Woa, maganda! Ang akala ko ay sa mga larawan ko lang nakikita ang ganito. Paraiso na ito! Ang bango ng hangin, ang tahimik at nakakarelax!" ang wika niya habang nag iinat.
Maya maya ay agad siyang nag hubad ng damit at lumusong sa ilog. Halos mapa sigaw ito noong nabasa ang kanyang katawan. Ako naman tawa lang ng tawa habang hawak ang kanyang cellphone at kinukuhanan siya ng mga larawan kasama ang magandang tanawin.
Makalipas ang ilang sandali ay nag pasya na rin akong lumusong sa tubig. Dito ay pinuntahan ko si Gomer na nakaupo sa isang malaking batuhan at pinag mamasdan ang kabundukan sa kanyang harapan. Tumabi ako sa kanya at hinagkan ito sa labi.
Ngumiti siya at ginusot ang aking buhok..
"Masaya ka ba?" naka ngiti kong tanong
"Oo naman, doble doble kaligayahan. Dahil nandito ka at nakasama kong muli ang iyong ina."
"Siguro ay hinahanap kana ng mga kabarkada mo doon sa compound. Alam mo, sa totoo lang ay hindi ko akalain na mapapasali ka sa grupo nila. Hindi ka naman gago, hindi ka rin sira ulo, at hindi ka naman tambay o nang ssnatch ng gamit. Matalino ka, mayaman, gwapo at halos lahat ng biyaya ay nasa iyo na. Bakit kailangan mo pang maging miyembro?" ang tanong ko
"Hindi ko alam, basta ang alam ko lang ay nandoon ako dahil mayroon akong dapat gawin bilang miyembro nila. Naalala ko tuloy noong unang beses na mag apply ako bilang alyas. Natawawa na lamang ako kapag naiisip ko ito." ang wika niya at dito ay isinilaysay niya sa akin ang simula ng kanyang pagiging "last pogi".
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...