TLP Part 21

9.5K 380 9
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 14, 2019

Part 21

Araw ng sabado, madaling araw palang noong mag pasya kaming pumunta sa terminal para sumakay sa bus patungo sa probinsya kung saan ako nakatira. Dala namin isang knapsack ng aming mga gamit na buhat ni Gomer sa kanyang likuran. Ang totoo noon ay may hang over ang mokong dahil nag celebrate sila ng success ng kanilang event kagabi. Lasingan portion ang mag kakabarkada hanggang umaga. Kaya heto, halos masuka si Gomer sa tindi ng pananakit ng ulo.

"Awrk!" ang pag duwal nito kaya naman isinahod ko ang plastic bag sa kanyang bibig.

"Alam mo naman na may lakad tayo ngayon uminom ka pa ng sobra. Tapos ay gusto mo pang drive ng sasakyan." ang sermon ko naman.

Tumigil siya sa pag suka at saka sumandal sa upuan. "Wag mo na nga ako sermunan. Mawawala rin ito mamaya." ang tugon niya

Alas 4:30 ng umaga noong mag simulang umandar ang bus na aming sinasakyan. Limang oras ang biyahe pauwi sa probinsya depende pa ito sa trapiko. Gayon pa man ay hinayaan ko nalang na natutulog si Gomer, nilagyan ko ng jacket ang kanyang katawan habang ang kanyang ulo na naka hilig sa aking balikat. Ito ang unang pag kakataon na mag tutungo siya sa amin, kaya naman ibayong saya ang aking nararamdaman.

Pasimple akong yumakap kay Gomer, sya naman ay tulog na tulog, nag hihilik at naka nga nga pa kaya naman isinara ko ang kanyang bibig. Malayo pa naman ang byahe halos apat na oras pa kaya nag desisyon na rin akong pumikit ng kaunti.

Tahimik.

Alas 6 ng umaga, naalimpungatan nalang ako noong huminto ang bus sa bus stop. Kaya naman ginising ko itong si Gomer para kumain ng almusal. Noong pag kamulat ng kanyang mata ay ngumiti ito at hinaplos ang aking pisngi. "Goodmorning, miss mo ko?" ang tanong niya

Natawa ako "Oo naman, palagi kitang namimiss. Tara kain muna tayo."

"Malapit na ba?"

"Dalawang oras pa, pero malapit na rin iyon."

"Ayos!" sagot niya sabay tayo na punong puno ng energy, parang agad nawala ang kanyang hang over.

Bumili kami ng pag kain at sabay nag almusal. Gutom na gutom ito at halos naka dalawang order ng kanin. Ang nakakatuwa, kahit marami siyang kumain ay hindi pa rin nag babago ang kanyang katawan. "Baka naman nag selos ka sa dami humalik at yumakap sa akin kahapon?" tanong ni Gomer

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon