PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 14, 2019
Niyakap ko siya at hinaplos sa pisngi. "Isang malaking karangalan na mahalin ka dahil ang katulad mo ay nag iisa." tugon ko kaya naman hinalikan niya ako sa labi at niyakap ng mahigpit.
Noong mga sandaling iyon ay nag desisyon si Gomer na pumunta sa aming probinsya para dalawa ang aking ina pag katapos ng foundation day. Samantalang ibayong saya naman ang aking naramdaman dahil muli kong makikita ang aking ina at maalagaan siya ng aking pag mamahal. Siguradong magiging masaya rin siya na makita si Gomer dahil halos ilang taon na niya itong hindi nakikita.
Part 20
Ikalimang araw ng foundation, ito ang pinaka highlight ng lahat dahil dito ay gaganapin ang natatanging event ng council. Ang usap usapan ay darating raw si Sarah Geronimo at Regine Velasquez para mag concert, ang sabi naman ng iba ay mag paparafle daw ng appliances o kotse itong si Gomer. Pero ang lahat ng iyon ay hindi ko pinaniwalaan dahil ang plano ng council ay makalikom ng pondo at hindi ang gumasta para sa mga artista o papremyo. Gayon pa man ay hindi ko rin maitago ang excitement habang isineset up ang buong ground.
"Noong nakaraang taon, ang pakulo ng dating presidente ng council ay fun run. Nag karoon rin siya ng mga talent shows. Kaso nga lang ay hindi raw ito masyadong kumita kaya hindi na ulit inulit." wika ni Yel
"Ano kayang pakulo ni President Gorien?" tanong naman ng ilang estudyante sa likod habang naka tanaw sa pag seset up sa paligid.
Dito ay nag lagay ang council ng limang bilog na parang maliit na tapakan, at hinati nila sa limang lane ang ground. Para bang style ng swimming pool kung saan ang lalangoy ay may kanya kanyang lane. Ang bawat bilog na hugis ay may naka lagay na itim na box sa harapan. Kakaiba ang ayos ng ground kaya naman naintriga na rin ang iba at naki usisa na.
Habang nag seset up at tumugtog na rin ang kanta sa malaking sound system dahilan para mayanig ang buong paligid sa masiglang kantang pandisco.
Pati ang mga guro ay napasayaw na rin at mukhang ang lahat ay enjoy na enjoy..
"Mag sisimula po ang event ng SSC sa loob ng 45 minuto." ang wika ng secretary kaya naman lalong binalot ng excitement ang paligid.
Music Playing
Faded Lyrics
You were the shadow to my light
Did you feel us
Another start
You fade away
Afraid our aim is out of sight
Wanna see us
Alive
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...