PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 18, 2019
At iyon nga ang set up, nag tungo kami sa resort ng tita ni Bam, ang layunin lang nila ay libangin ako at suportahan sa aking nararamdaman. Maswerte ako dahil nag karoon ako ng kaibigan sa katauhan nila, sila yung tibong nakaka intindi at nakaka unawa sa akin. May pag kakataon na natatawa ako sa mga hirit nila pero maya maya ay heto nanaman ang lungkot na parang isang traydor na damdaming bigla nalang aatake kaya natatahimik nalang ako at napapatingin sa kawalan.
Part 28
"O Erning eto pa ang pag kain, kumain ka pa ng kumain para hindi hinahangin iyang utak mo. Baliw baliwan ka porket may kasamang babae si Gorien doon, kung saan man iyon." ang wika ni Yel sabay abot sa akin ng isang platong ulam at kanin.
"Nagustuhan nyo ba? Kapag nag pupunta kami dito nina mama at papa ay dito kami madalas nag cocottage." wika ni Bam habang naka ngiti
Alas 2 ng hapon noong kami ay makarating dito sa pribadong resort na pag aari ng tita ni Bam. Maganda ang pag kakagawa nito, maganda rin ang lokasyon. Ang tubig na nasa pool ay nakatugon sa karagatan at halos ang buong piligid ay may puno kaya naman napaka presko sa pakiramdam. Pakiwari ko tuloy ay parang nasa probinsiya lamang ako dahil tamihik dito at kakaunti lamang ang tao.
Matapos kumain ay nag pasya kaming maligo at mag babad sa tubig. Tila ba ang akimg masamang pakiramdam ay tinangay nito kaya kahit papaano ay nawawala ang kakaibang kalungkutan sa aking pag katao. Panandalian kong nakalimutan si Gomer at dito ay inenjoy namin ang masayang sandali.
"Pumasan ka sa akin doon tayo sa malalim!" ang wika ni Bam kaya naman kumapit sa kanyang braso at sumampa ako sa kanyang balikat.
Lumakad siya sa malalim na parte ng pool at dito kapwa kami nag lunoy. Nanatili akong nakapasan sa kanyang balikat sa siya naman ay nakahawak sa aking kamay. "Okay kana ba?" tanong niya sa akin
"Oo naman, salamat sa inyo ni Yel. Kahit na ayokong ngumiti ay ginagawa nyo pa rin ang lahat para mapasaya ako." tugon ko
"Syempre naman, best friends tayo diba? At alam namin ni Yel na malayo ang pamilya mo kaya kami ang tatayong mga kapatid mo dito sa siyudad." ang wika nito habang lumalakad kami palapit sa isang man made na kweba. Dito ay pareho kaming sumampa at naupo habang nakatanaw sa karagatan.
"Maganda rito." ang wika ko habang naka pako ang tanaw sa kalayuan.
"Dito ako madalas tumatambay. Mas nakaka isip ako ng maayos at mas nakakapag relax. Sana ay huwag kana ulit iiyak dahil nalulungkot rin ako." ang wika rin niya
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...