TLP Part 19

9.7K 395 16
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 14, 2019

Part 19

Ikatlong araw ng foundation day, ito ang pag bubukas ng ibat ibang booth at pakulo ng mga estudyante sa ground ng campus. Nag mistulang peryaan na ang paaralan dahil sa dami ng palaro na pwedeng tayaan. Mayroon ring mga rides katulad ng ferris wheel, caterpillar, octopus at kung ano ano pang mapag lilibangan.

"Alam nyo bored na bored na kaming batuhin ang pez ni Ernest sa dingding. Naibato na namin ang TV, Radyo at Rice Cooker sa picture nya. Pwede bang batuhin na namin siya sa personal? Bakit kasi gustong gusto siya ni Gorien at Bam e hindi naman maganda!" ang wika ng beki na nag babato ng bote sa taksiapo.

Maya maya ay lumapit sa akin ang isang beki at nag bayad. "Eto si Ernest o, sure ka ba na hindi ka pwedeng isabit doon sa pader at batuhin?" tanong nito dahilan para matawa ako

May natawa ring lalaki sa pintuan kaya napa lingon kami dito. Si Bam may hawak na isang kahong cupcake dahilan para kiligin ang mga beki sa loob. "Alam nyo si Ernest ang pinaka mabait na taong nakilala ko, biruin nyo kahit ilang beses na siyang binubully o inaasar ng mga estudyante ay ngiti lamang ang isinasagot niya. At kahit kailan ay hindi siya nag tanim ng galit sa kanyang kapwa. Alam nyo naman na karamihan sa nag aaral sa paaralang ito ay may kaya sa buhay ang pamilya. Alam nyo ba na siya ay pinag aaral lamang ng mga magulang ni Gorien kapalit nito ang paninilbihan niya sa pamilyang iyon. Bukod pa roon ang perang kinikita niya sa pag kakatulong o pag aalalay kay Gorien ay ipinapadala niya sa ina niyang may sakit sa probinsya. Habang tayo ay natutulog sa malalambot nating higaan siya ay nag kakatulong pa sa gabi bago matulog. Hindi ba't napaka swerte natin?" ang wika ni Bam ako naman ay naka ngiti lang sa kanila bagamat gusto kong umiyak dahil pinag tatanggol niya ako.

Natahimik ang mga beki..

At maya maya ay napatingin sila sa akin. "Alam nyo naiinis lang naman kami kasi malapit siya sa mga lalaking gusto namin. Feeling namin nag kakasapawan na. Alam namin na mabait si Ernest kaya nga siya ang gustong gusto naming inaasar dahil alam namin na hindi ito napipikon." wika ng isang beki habang naka ngiti.

"Oo nga, hindi naman babaihan si Ernest e, pero sana gwapo man lang siya. I mean may itsura naman kasi kaso hindi marunong mag ayos ng sarili. Pero may naisip ako!" ang wika nito sabay hila sa akin palabas ng booth.

"Teka saan nyo dadalhin si Ernest? Susunugin nyo na ba siya ng buhay dahil hindi siya babaihan?" ang tanong ni Yel

"Ipapako namin siya sa krus at gagawing exhibit doon sa ground!" ang wika naman nila tapos ay nag tawanan. Niyaya na rin nila si Bam at lahat kami ay nag tungo sa labas kung saan naroroon ang kanilang parlor na booth.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon