PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 19, 2019
Ngumiti ako at sumama sa kanila..
Umorder kami ng minandal, pasta, tea at kung ano ano pa. Masayang kasama si Dante at Julian walang sandali na hindi ako nangiti dahil sobrang sarap nilang pakisamahan. Dito napagtanto na maswerte rin pala ako dahil katulad ni Gomer ay nakatagpo rin ako ng bagong mga kaibigan at iyon ay ang mga taong sumusuporta sa akin ng lubos.
"Selfie tayong tatlo!" ang wika ni Dante at nag picture kami na naka ngiti.
"Click!"
"Ano ba iyan kalahati ng larawan ay mukha mo. Mag diet ka nga." ang wika ni Julian.
Part 31
Alas 7 ng gabi noong isama ako ni Julian sa kanilang bahay, inanyayahan niya akong mag dinner. Sobrang nag enjoy ako na kasama sila ni Dante kaya hindi ako naka tanggi. Ilang minuto lang naman ang byahe patungo sa bahay nila.
Galing rin pala sa mayamang pamilya si Julian, doktor ang kanyang ama at siya naman ay isang nars. Naka pukaw sa akin ng atensiyon ang larawan nila ni Shan Dave na parehong nakasuot ng suit and tie, pareho silang gwapo at masayang masaya.
Noong nakita ako ni Julian na nakatingin sa kanilang larawan, dito niya inamin sa akin na sila ni Shan ay kasal na noon pa. Ngumiti naman ako at humanga sa kanilang dalawa. Ang hindi ko lang maunawaan ay kung paano niya napapakisamahan si Shan Dave e para itong si Spongebob na hindi maipaliwanag ang ugali. "Ang totoo noon ay loko lang talaga si Shan pag may kausap na ibang tao lalo na ang kanyang mga kabarkada. Pero kapag dito ay sobrang tino niyan, maalaga at punong puno ng pag mamahal. Ang lahat ay nag babago pati ang ugali ng tao, basta mahal mo ay handa kang yakapin ang lahat lahat para sa kanya." wika nito
"Hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa ni Shan." naka ngiti kong tugon.
At habang nasa ganoong posisyon kami ay siya naman pag tawag ni Dante sa labas. "Oy, nandito sina Shan at mga kaibigan niya. Baka si Ernest ang gusto nilang yariin." ang wika nito habang naka silip sa gate.
"Anong problema ng mga iyan? Teka at ako ang haharap sa kanila. Dito lang kayo." ang wika ni Julian pero pinigil siya ni Dante. "Ako, ako ang haharap sa kanila." ang seryosong salita nito sabay labas sa gate. Kami naman ni Julian ay nanatiling nakatayo at nakasilip sa labas.
Lumapit sa kanila si Dante. Nandoon si Gomer, si Shan Dave at Raul. "Anong kailangan nila?" ang bungad ni Dante
"Nandyan ba si Ernest?" ang tanong ni Gomer.
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...