PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 19. 2019
Natawa si Isabel. "kahit mag kagusto siya sa akin ay ikaw pa rin ang pipiliin ko." ang medyo maarteng sagot nito ay dito ay nag lambingan silang dalawa. Ang mukha ni Gomer ay para bang nang aasar o nanadya. Ipinakikita niya sa akin na enjoy na enjoy siya sa pag kandong at pag aasikaso sa kanyang ng babae.
Maya maya ay inakay niya ito at kapwa sila umakyat sa kwarto..
Naiwan ako sa sala habang naka tingin sa kanilang dalawa, mukha ito ang larong gusto ni Gomer kaya sasakyan mo ang kanyang sinumulan.
Part 30
Araw ng Martes, nag simula na ang ginawang parusa sa amin ni Bam, umaga palang ay nasa bakuran na kami ng campus para mag linis, at mukhang nandya itong si Gomer dahil talaga dinumihan nila ng husto ang bawat sulok ng paaralan, halatang sinadyang itapon at ikalat ang mga plastic, tuyong dahon at mga papel. Sinasadya rin itapon ng mga beking taga suporta ni Gomer ang mga kalat sa aming harapan kaya naman halos walang humpay ang ginagawang pag wawalis at pag dadakot sa mga kalat.
Mula sa aming kinatatayuan ay tanaw na tanaw ko si Gomer, naka ngisi ito at mukhang proud na proud sa kanyang ginawang pag paparusa sa amin bagamat siya naman talaga ang may kasalanan ng lahat. Ang kanyang ugali na bayolente at magaan ang pingkok sa kapwa ay ang pinaka panget na ugaling nakita ko sa isang tao.
Ngunit sa halip na magalit kami ni Bam ay itinuloy naming ang aming plano na asarin si Gomer sa pamamagitan an gaming pagiging "extra sweet" sa isa't isa. Noong maka tiyak na pinag mamasdan kami nito ay agad na kumuha si Bam ng tubig iniabot sa akin. Tinungga ko ang bote at maya maya inalok ko naman sa kanya, ininom rin niya ito at kapwa kami nag ngitian. Ang aming mga gagawing pang aasar at scripted at si Yel mismo ang nag isip.
Pag katapos uminom ay nag hubad ng damit si Bam at ako naman pumuwesto sa kanyang likod para punasan kunwari ang kanyang likuran. Umagaw kami ng atensyon sa buong ground lalo't naka buyangyang ang magandang katawan ni Bam na aking hinihimas kaya si Gomer naman ay nag sisimula na ring tumingin sa amin ng masama.
Habang nasa ganoong posisyon ay lumapit sa amin si Yel "Kulang, landian nyo pa. Paano tayo makaka ganti kay Gorien niyan? O eto pa yung bote ng softdrinks, mag share kayo sa isang straw ha." ang utos nito. "At ipakita nyo sa pag hitit na nasasarapan kayo sa pag namnam ng laway ng isa't isa sa straw."
Napakamot ng ulo si Bam. "sige direk, gagawin ko ang best ko." Wika nito
Tawanan kami..
Inahawakan ni Bam ang softdrinks at itinapat sa aking labi ang straw kaya naman hinitit ko ito pag katapos ay siya naman yung humitit. Pinunasan pa nya ang aking labi gamit ang kanyang hinlalaki kaya naman mas lalo pang naasar si Gomer at sinipa niya yung basurahan malapit sa ground.
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...