TLP Part 13

9.8K 436 33
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 10, 2019

Inakbayan ako ni Yani. "Chillax lang, walang mangyayaring masama sa atin. Actually hindi naman si Bogs ang leader sa compound, may isang kinatatakutan iyon." ang wika niya.

"Kinatatakutan? Sino?" tanong ko

"Secret. Basta wag kang mag alala, kasama natin ang secret weapon. Ang kahinaan ni Bogs!" ang wika ni Yani sabay hatak sa akin papasok sa taxi.

"Yung pina cocontact ko sa iyo, natawagan mo ba?" tanong ni Jomar

"Yes naman frend, on the way na rin silang dalawa papunta doon sa compound. Gera na itey!!" ang wika nito Yani sabay kasa ng kanyang kamay na kunwaring may baril.

Part 13

"Sigurado ba kayo sa gagawin ninyo? Baka mabugbog tayo ng mga lokong iyon." pag aalala habang malapit na sa compound.

"Wag ka mag alala, tayo ang mananalo." ang sagot ni Yani sabay pindot sa kanyang cellphone. "Ay frend, kanina pa pala doon si Aldrin, hindi ko na siya tinawagan dahil plano rin pala niyang mag punta sa compound."

"Ayos, alam mo Ernest minsan kailangan nating turuan ng leksyon iyang si Gomer para hindi siya nag papaasa." wika ni Jomar.

"Tama iyon, at syempre hindi natin kaya kung tayo lang kaya tumawag kami ng back up. Alam mo na, mahirap makapasok sa loob ng hideout nila, im sure nandoon nanaman si Raul at yung aso niyang pasaway!" ang wika ni Yani

Makalipas ang ilang sandali ay nakarating kami sa compound. Dito ay nakita namin ang tatlong lalaki na nakaupo sa waiting shed kaya naman agad akong inaya ni Jomar para bumaba. Ang isang sa mga lalaking ito ay si Aldrin na kaibigan ni Johan, nakilala ko doon sa bar noong sinama ako ni Gomer.

Ang dalawa ay hindi ko kilala. Ang totoo noon ay nahihiya akong dumikit sa kanilang apat dahil ang puputi at ang kikinis nila. Mga extraordinaryo ang kagwapuhan ng mga ito, pwedeng mga artista sa telebisyon. Lalo na yung isang nang nangangalang Julian na naka suot ng uniporme ng nurse.

"Mga kaibigan ko sila dito sa compound. Sina Julian, Greg at Aldrin. Eto naman si Ernest yung kaibigan ng bagong recruit. Birthday niya ngayon." ang wika ni Jomar

Binati ako ng mga ito at kinamayan. "Celebrate tayo! Tara!" ang wika ni Greg habang naka ngiti.

"Pwede bang bukas nalang, 10hrs na akong gising, hindi ko kayang mag extend. Nasaan ba si Shan Dave? Uuwi na kami!" ang pag mamaktol ni Julian

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon