TLP Part 39 END

13.8K 666 175
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Author's Note:

Ang totoo ay natakot talaga akong ilabas itong kwento ni Gomer, pero ginawa ko naman yung makakaya ko para pumantay siya sa apat na naunang libro ng mga "alyas". Pinilit kong ilihis ang katauhan ng mga bida sa mga naunang tauhan ng alyas at natutuwa ako dahil naging epektibo naman sila sa mga mambabasa kahit paano.

PUSO, iyan ang sikreto sa pag susulat ng isang makabuluhang akda, ni minsan ay HINDI ko inisip na mag sulat para mag karoon ng taga hanga o taga suporta o para sumikat. Kapag nag susulat ako ay parati kong naiimagine na natatawa kayo o kaya ay umiiyak at nakikidalamhati sa mga tauhan, yun lang ay okay na sa akin. Hindi mahalaga sa akin ang dami ng bumabasa sa gawa ko, wala sa rin akin kung binoboto ba nila o pinapa-follow ang page ko. Nakita nyo naman kahit 100 lang ang reads ng inupdate ko ay tuloy tuloy pa rin at walang mintis. Basta ang mahalaga ay maibahagi ko kung ano ang mayroon ako at yung mapasaya ko kayo ay ayos na sa akin kahit hindi naman kayo mga babaihan.

Paano ko nagagawa ang mga tauhan ng alyas? Ewan, pakiramdam ko mayroon na akong split personality, hinimay himay ko na lahat ng ugali ko hanggang sa kasuluk-sulukan para magawa ang mga gagong ito. Sina Raul, Bogs, Shan, Johan at Gomer, parte sila ng pag katao ko. At kahit ano pang mangyari o mag tapos ang mga kwento nila ay nandito sila at nabubuhay sa puso ko. Iyon ang totoo..

Muli maraming salamat sa pag suporta at pag mamahal sa akin, mahal ko rin kayo.

Sobra...

THANK YOU AITENSHI FOR SHARING YOUR STORIES! LOL

************

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 23, 2019

Part 39

Maraming nag bago noong bumalik ako dito sa siyudad. Unang una na rito ang pakikitungo sa akin ng mga magulang ni Gomer. Mas naging mabuti sila sa akin at mas ramdam ko ang kanilang pag papahalaga. Inilipat nila ako ng silid at inalis sa tabi ng kusina. Ngayon ay mag kasama na kami ni Gomer sa isang malaking kwarto sa second floor ng kanilang bahay. Pinalakihan ng husto ang silid niya para sa aming dalawa. At ang pinaka magandang parte sa lahat ay ang pag tanggap nila at pag suporta sa aming relasyon. Pero siyempre ay hindi kami masyadong nag papaka sweet sa harap ng ama ni Gomer dahil hindi pa ito masyadong sanay sa aming samahan bagamat bukas palad niya kaming niyakap at tinanggap sa kung ano at sino kami.

Hindi naman namin sila binigo at binigyan ng kakahiyan dahilan katulad ng aming pangako ay pag tutuunan namin ng pansin ang pag aaral at tutuparin ang aming pangarap sa buhay.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon