TLP Part 34

8K 375 40
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 21, 2019

Napatingin ako sa kanya at napaluha. Sa unang pag kakataon ay naging ganap na espesyal ang tingin niya sa akin. Ang inaasahan ko ay sasabihin niyang tumulong ako sa kanyang kaarawan pero mali ako. Gusto niyang nandoon ako bilang isang bisita at hindi alalay.

Niyakap ko ng mahigpit si Gomer at ganoon rin siya sa akin. Muli naming pinag saluhan ang natitirang oras bago mag umaga.

Part 34

Sa pag lipas ng mga araw ay nag tuloy tuloy ang magandang samahan namin ni Gomer. Madalas kaming lumilibot sa mga paborito naming lugar at kainan. Kapag kami ay mag kasama ay parang solo namin ang mundo, katulad na lamang sa parke kung saan kami madalas naka upo, kapag walang tao ay lumilingkis ang kamay niya sa akin at hinahalikan ako ng pasimple. Siyempre ay tuwang tuwa naman ako sa kanyang mga ninja moves. At bilang mag kasintahan ay madalas rin kaming nag tatalik, halos gabi gabi, lahat na yata ng posisyon ay nagawa na namin, kasali naman talaga ito bilang pampagana sa aming relasyon.

"Anong wish mo sa birthday mo?" ang tanong ko sa kanya habang naka upo kaming dalawa sa sea wall. Dapit hapon na iyon kaya napakaganda ng tanawin.

Tumingin siya sa akin at nag kibit balikat "Ewan, siguro ay lakas ng loob. Alam mo ba na sumasagi sa aking isipan ang ipag tapat kina mama at papa ang ating relasyon? Naiinggit ako kina Raul, Shan dave at iba pa dahil malaya sila, hindi nila kailangan mag panggap o mag tago. Tanggap ng kanilang mga magulang kung sino ang nais nilang makasama. Samantalang ako? Masyadong naka focus ang aking mga magulang sa kinabukasan ng negosyo, sa aming pangalan, sa aming estado." ang wika niya sabay hagis ng bato sa tubig.

"Magiging maayos rin ang lahat. Hindi naman naging ganoon kadali ang relasyon ng mga kaibigan mo sa compound. Siguradong lahat sila ay may kanya kanyang kwento at kalakip nito ang mga pag subok at kabiguan nila habang nasa estado ng pakikipag relasyon. May mga pag kakataon talaga na dumaraan ang isang tao sa pakiramdaman na mabigat. Kung gusto ng Diyos na maging perpekto ang araw ng isang tao, bakit gagawa pa siya ng bukas? Ang lahat ng ito ay lilipas rin." tugon ko naman

"Sa tingin mo ba ay magandang ideya na ipag tapat ko ang tungkol sa atin?" ang tanong niya

"Hindi ko alam, maaaring maapektuhan ang ating relasyon dahil tiyak na mababago ang tingin nila sa atin. Dalawang bagay lang naman ang maaaring mangyari. Una ay susuporta sila dahil naunawaan nila. Ikalawa ay hahadlang sila dahil mali ito. Alin man dito ay dapat nating tanggapin." tugon ko

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon