TLP Part 14

10.5K 423 29
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 11, 2019

"Sorry kung hindi ako nakapunta sa dinner." ang tugon niya.

Ngumiti ako at tumango. "Ayos lang. Wala namang problema iyon." tugon ko sabay lakad palayo sa kanya.

Bago tuluyang umuwi ay nag pasalamat ako kay Jomar sa effort ng pag tulong sa akin. Tila naka tagpo ako ng mga kaibigan sa mga sandaling binabalot ako ng matinding kalungkutan.

Part 14

"Mag usap muna tayo. Sorry kung hindi ako nakarating. May mga importante kasi kaming inasikaso." ang wika ni Gomer habang hinahabol ako.

"Ayos lang iyon, pero sana nag text ka man lang o sinagot mo yung tawag ko para hindi ako nag mukhang tanga na umaasang darating ka." ang tugon ko na hindi maitago ang labis na pag tatampo.

"Naiwan ko kasi sa drawer doon sa center yung cellphone ko. Sarado na iyon kaya hindi ko na nakuha pa. Hindi pa naman tapos ang birthday mo, 11:15 palang. Tara mag celebrate tayo, babawi ako."

"Ayos lang talaga, pagod na rin ako kaya gusto ko na mag pahinga. Uuwi na ako." tugon ko

"Sabay na tayo umuwi, sandali lang at kukunin ko yung susi sa loob. Dito ka lang ha, hintayin mo ako." ang pag papa alam niya sabay takbo pabalik sa lumang bahay.

Sakto namang may parating na Taxi, pinara ko ito at mabilis na sumakay. Isang malaking aral ang naranasan ko ngayong gabi. Bawal umasa at huwag mag papadala sa matatamis na salita dahil sakit lang ang kasunod nito. The more you asa, the more you nga nga. Iyon ang sabi nila at sa palagay ko ay totoo nga ito.

Pag dating sa bahay ay agad akong pumasok sa aking silid, kinandado ko ito at saka ako humiga sa aking kama. Ilang minuto naman ay kumakatok na si Gomer sa aking pintuan. "Tol, buksan mo ito at mag usap tayo. Hindi pa ako tapos mag paliwanag e. Papasukin mo naman ako." ang wika niya na may boses na nanunuyo.

Hindi ako sumagot..

"Alam kong galit ka sa akin pero sana ay hayaan mo akong makabawi sa iyo. Please naman, bigyan mo ako ng pag kakataon para maiangat ang sarili ko. Sige na.." ang paki usap pa niya

Tumagal ng ilang minuto si Gomer sa harap ng aking pintuan. Nakikiusap ito na papasukin ko siya, mga bagay na hindi ko pinag bigyan dahil tiyak na mapapasailalim nanaman ako sa kanyang titig na parang may mahika. Sa ngayon ay mabuti na yung ganito, hindi sa lahat ng pag kakataon ay bibigay ako sa kanyang nais, minsan ay kailangan mag matigas at manindigan bilang respeto sa iyong sarili.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon