PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 6, 2019
Part 9
"Uy Ernest bakit di ka pumasok kahapon? Ang daming kaganapan na missed mo." ang bungad ni Yel
"Hindi ko alam, hindi ako updated. Tulog ako mag hapon kaya hindi ako nakapasok. Masama kasi ang pakiramdam ko. Ano bang nangyari?" tanong ko
"Hindi ka man lang nag ccheck ng facebook? O ng social media?" tanong niya
Dinukot ko ang aking cellphone at pinag pipindot ang keypad nito. "Wala e, walang social media." ang tugon ko naman dahilan para mapakamot siya ng ulo. "Basic phone lang kasi iyang gamit mo kaya wala kang alam sa mundo. Ginawan kita ng fb ah, hindi mo ba binubuksan?" tanong niya
"Minsan, doon sa computer room. Teka pumasok ba si Gomer kahapon?" tanong ko naman
"Syempre, kaso ay half day lang. Siya pa nga mismo ang gumawa ng excuse letter mo. At alam mo ba na iyang amo mong si Gorien a.k.a Gomer ang latest ngayon."
"Bakit ano ba ang nangyari? Ano ba ang ginawa niya?" tanong ko
"Nasangkot lang naman siya sa rayot kahapon kasama yung mga kaibigan niya sa compound. May ilang video footage doon sa social media. Tara ipakikita ko sa iyo." ang wika niya sabay hila sa akin sa computer room.
Wala akong ideya sa nangyari dahil pag katapos kong isara ang aking pinto ay wala akong balita kay Gomer. Noong nagising ako ay halos alas 9 ng gabi. Wala naman siya sa bahay siguro ay gumimik o nag tungo sa mga kabarkada niya sa compound.
Pag pasok sa computer room ay agad ipinakita sa akin ni Yel ang mga footage ng rayot sa labas ng campus. Dito ay makikita si Bogs na inuupakan ang isang lalaki at si Gomer naman ay tinatadyakan ang isang lalaking naka suot ng uniporme ng ibang campus. Masyado nang magulo ang ibang detalye, nawawala rin sa anggulo ang camera dahil tili ng tili ang beki na kumukuha ng video. "Jusko ang ggwapo nila! Kahit medyo duguan ang anes anes na facesung ay gwapo pa rin! Its raining men alleluja!!" ang maririnig na salitang ng beki sa footage at nakuha pa nitong kumanta.
"Sino ba itong mga kaaway nila?" pag tataka ko
"Iginanti raw nila si Johan. Kinuha raw kasi ng mga lalaking kaaway nila yung mga paninda nito. Ayun ang akala nila ay hindi kakasa ang grupo ni Johan. Patay kung patay iyan kahapon kahit may mga pulis na ay nag rarayot pa rin. Ang pinaka bwisit ay yung leader nilang si Bogs, grabe kung sumuntok, pati nga itong gate nasira niya." ang wika ni Yel
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...