TLP Part 7

10.7K 449 48
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 6, 2019

Kinagabihan, katulad ng set up ay nag tungo kami kina Bam, dito ay nag handa siya ng espesyal na hapunan at pag katapos noon ay nag karoon kami ng kaunting inuman kasama ang kanyang mga kaklase at ilang kasamahan sa council.

Noong mga sandaling iyon ay panandalian kong nakalimutan si Gomer at buong gabi akong tumatawa kasama ng aking mga kaibigan. Kung sa bagay, alam kong masaya rin naman siya (Gomer) dahil marami siya katropa doon sa compound. Ngayon ay wala nang mag babawal sa kanya, malaya na siyang gawing ang anumang bagay na kanyang naisin.

Part 7

"Kakainis naman, doon pala natulog si Ernest kina Bam kagabi! Tapos mag katabi pa sila sa kama. Nakaka imbyerna na talaga!!" ang wika ng isang beki sa hallway habang nakatingin sa larawan na inupload ni Bam sa kanyang facebook.

Ang totoo noon ay doon talaga kami natulog kina Bam pero grupo kami. Ang larawan na inilagay niya sa facebook ay selfie lamang namin na mag kasama. Nakadapa sa kama at naka ngiti. Wala namang mali doon dahil mag kaibigan naman kaming dalawa. Iyon nga lang ay masyadong OA lamang makapag react yung mga beki na taga hanga ni Bam kaya noong makita nila akong nag lalakad sa hallway ay parang gusto na nila akong ipako sa krus at sunugin sa ground ng campus.

"Hoy, halika nga dito!" ang wika ni Gomer noong makita akong nag lalakad sa harap ng mga locker. Hinila niya ako at hinawakan ng mahigpit ang aking mga braso. "Saan ka natulog kagabi? At talagang doon kapa kina Bam nag palipas ng gabi? Kalandi mo naman! Kung kani kanino kang lalaki tumatabi!" ang wika nito na may pang gigigil

"Bitiwan mo nga ako, masakit! Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" pag tanggi ko

Kinutusan nya ako "Anong walang alam? Nag aamnesia amnesiahan ka pa e naka bandera dito sa social media yung larawan nyong mag kasama. Malandi ka pala talaga! Gigil na gigil ako sa iyo alam mo ba iyon? gusto na kita tirisin! Mamayang gabi doon kana umuwi sa bahay dahil isusumbong na kita kina mama. Umalis lang sila ay nangati kana at nag hanap ng lalaking makaka siping!" ang sagot niya

"Ano bang sinasabi mo?! Tigilan mo nga ako! Gago!" ang sigaw ko sabay tulak sa kanyang dibdib palayo sa akin. Agad akong umalis sa kanyang harapan at nag tatakbo para makadistansiya ng husto.

Siguro ay iniisip niya na nag papagamit ako kay Bam, ganoon karumi ang kanyang utak naturingan pa man ding matalino. Kung kailangan nag sisimula na akong umiwas sa kanya ay siya naman akong harang ng harang sa akin na animo nababaliw. Pasalamat nga siya at hindi ko sinabi sa kanyang mga magulang na sinuntok niya ako sa dahilang hindi ko pag sunod sa kanyang mga kabarkada. Gusto yata niya ay pag silbihan ko rin ang buong compound katulad ng ginagawa kong pangangatulong sa kanilang bahay.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon