PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 15, 2019
Part 23
"Masaya ka naman ba? Na maging miyembro ng samahan nila?" ang tanong ko habang naka tabi kay Gomer.
"Ako nga dapat ang mag tanong kung masaya ka ba para sa akin?" naka ngiti niyang tanong.
"Oo naman, at proud ako sa iyo. Kahit ano pang gusto mong gawin sa buhay mo ay asahan mong susuporta ako. Pero alam mo, minsan ay hindi natin kailangan baguhin ang sarili natin dahil iyon ang gusto ng mga tao sa paligid natin. Mas mainam pa rin na kamuhian ka nila sa kung ano ka kaysa sa mahalin ka nila sa pag kataong hindi ikaw. Ang ibig kong sabihin ay mamahalin ka ng mga tao kung si Gomer ka na matalino at iniidolo ng lahat, sa kabilang banda ay mamahalin ka pa rin nila bilang isang alyas. Kung gusto ka nilang mahalin ay mag bibigay sila ng puwang para sa iyo na wala kang babaguhin sa sarili mo." ang wika ko habang nakatanaw sa bundok
Tahimik..
Tanging lagaslas lamang ng tubig sa ilog ang aming naririnig..
"Pero nag bago ako Ernest." ang wika nito habang naka tingin ng tuwid sa akin.
"Nag bago? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko
"Nag bago ako mag buhat noong makilala kita. Natuto akong mag mahal ng totoo, naranasana ko yung halo halong emosyon ng galit, lungkot, selos at saya. Tama nga sila, nakakabaliw mag seryoso sa pag ibig. Oo, aminado ako noong una ay talagang naiinis ako sa iyo dahil ang epal - epal mo, pero namimiss naman kita kapag wala ka sa paligid ko. Binago rin nito ang pananaw ko tungkol sa buhay, na ang pag ibig ay walang kinikilalang kasarian, walang pinipiling tao. Ngayon ay naniniwala na ako na ito ang pinaka makapangyarihang bagay sa mundo.
Ayokong maging emosyonal sa puntong ito, pero nais kong mag pasalamat dahil kahit kailan ay hindi mo pinabayaan, kahit kailan ay hindi ka lumayo sa akin kahit na paulit ulit kitang itinataboy. Ikaw lang rin ang naniniwala na kaya kong gawin ang lahat ng bagay kahit alam kong nangangatog ang mga tuhod ko sa takot at pangamba. Salamat Ernest." ang wika niya sabay halos ng kanyang palad sa aking pisngi.
Maya maya ay kinuha niya ang aking kamay at inilagay sa kanyang dibdib, sa tapat ng kanyang puso. "Kung magiging parte ka ng katawan ko. Gustong ikaw ang maging puso ko. Ikaw ang titibok at magiging sentro ng aking emosyon. At ikaw rin ang pinaka huling titigil kapag ako ay nawala na." ang wika niya sabay halik sa aking labi.
Nag palitan kami ng halik sa labi, at maya maya ay dinikit niya ang kanyang noo sa aking noo saka ngumiti. "I love you." ang bulong niya
"I love you, too." ang tugon ko naman.
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...