TLP Part 38

9.2K 377 34
                                    

DongJun as Gomer

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

DongJun as Gomer

*****

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 22, 2019

"Ano sa kwento mo ang dapat kong paniwalaan? Paano ako paniniwala sa iyo e gago ka nga. Manloloko at walang ginawa kundi ang paikutin ako na parang binilog na kulangot sa iyong mga kamay. Ngayon alin sa mga sinasabi mo ngayon ang totoo? Umuwi kana kase? Umalis kana dito! Igalang mo ang puntod ni Inay. Umalis kanaaaa!" sigaw ko sabay dakot ng putik at ibinalibag ito sa kanyang mukha.

Tila nagalit ito at inalis ang duming tumama sa kanyang pisngi. Tumingin siya ng masama sa akin..

"Ano? Galit ka? Manunutok ka? Halika! Lapit!" ang wika ko sabay hawak sa aking panabas..

Nanatili siyang nakatingin sa akin, halos bakas pa rin ang pag kapikon sa kanyang mata..

Maya maya ay huminga siya ng malailm at nag salita..

"I LOVE YOU."

Part 38

"Mahal kita.. iyan ang totoo sa lahat ng kasinungalingan ko. Manloloko ako, gago, malibog, sira ulo pero kapag sinabi kong mahal kita ay mahal kita. Kahit ubusin mo ang lahat putik sa bundok na ito o kahit ibaon mo akong buhay sa tabi ng nanay mo ay hindi ako aalis dito ng hindi kita kasama. Ayokong iwan ang puso ko dito." ang wika niya

"Bakit mo ito sinasabi? Bakit mo ito ginagawa? Mahirap lang ako, wala akong sasakyan, wala akong magandang buhay, wala akong kahit anong ipag mamalaki. Bakit hindi ka humanap ng iba na maaaring ibigay ang lahat ng gusto mo?" tanong ko

Umiling siya "Ayoko ng iba, gusto ko ay ikaw. Bakit ko ito ginagawa? Dahil sa isang pangako na binitiwan ko sa iyong ina. Sinabi niya sa akin kung sakling mawala siya at ako na ang bahala sa iyo. Nangako ako na hindi kita pababayaan at hindi kita iiwan. Noong araw na iyon ay inamin ko rin sa iyong ina ang ating relasyon, at alam mo ba kung ano ang isinukli niya sa akin? Niyakap niya ako at hinagkan sa noo. Buhat noong sandaling iyon ay isinumpa ko na sa aking sarili na sasamahan kita hanggang sa tumanda tayong dalawa." ang wika ni Gomer

"Sinungaling! Paniguradong isa nanaman ito sa mga imbento mo! Hindi kana nahiya kay inay, pati siya ginagamit mo sa kasinungalingan mo!" ang sagot ko

"Pero hindi ako nag sisinungaling! Iyon ang totoo! Nangako ako sa iyong ina. Maniwala ka naman." ang pag susumamo niya

"Im sorry Gomer pero hindi na bebenta sa akin ang mga kathang isip na hirit mo. Abnormal!" ang sigaw ko pa sabay balibag ng dakot na putik sa kanya at tumama ito sa kanyang damit.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon