PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 20, 2019
"Nga pala Ernest, kapag kinasal na kami ni Gorien ay hindi na niya kailangan pa ng alalay. Kaya pwede kana umuwi sa bundok" ang wika niya at maya maya ay naupo ito sa aking kama. "Alam mo ba na kinakabahan ako dahil delay ako. Mag buhat noong may naganap sa pagitan namin ni Gorien ay hindi na ako dinatnan pa."
Parang isang malakas na bomba na sumabog sa aking harapan ang mga sinabing iyon ni Isabel. Hindi ako agad naka sagot at hindi ko rin naitago ang aking emosyon. "Oh bakit parang na shock ka? Natural lang naman sa dalawang mag kasintahang babae at lalaki na mag talik hindi ba? Hindi na tayo mga bata kaya wala na lamang ang usaping ito. And just so you know madalas akong kinakalabit ni Gorien para dito. Kaya heto, baka mag bunga ang pag mamahalan namin." naka ngiting wika nito
Part 33
"Sana sinapak mo yung babae na iyon o kaya ay sinikmuraan! Kagigil siya ha, pero alam mo mahirap talagang kalaban ang mga babae dahil mayroon silang malakas na pakiramdam. Girl instinct na talagang mahusay sumagap ng feelings at kutob. Iyang si Isabel ay parang isang reyna ng mga bubuyog na may makapangyarihang antena sa ulo, naamoy niya kung ano mayroon kayo ni Gomer kaya mag ingat ingat ka Ernest ha. Baka maya maya ay mag bakbakan kayo doon sa mall. Parang yung mga video sa youtube na nakikipag bakbakan yung legal sa kabet!" ang wika ni Yel
"So iyon ang reason kung bakit ramdam ni Isabel na may something sa amin ni Gomer?" tanong ko
"Yes! At siyempre ay nasa kilos at reaksyon mo na rin kaya na oobvious e. Chillax lang, kung sakaling mag kaka anak na nga sila edi mag let go ka at inawanan si Gomer. Alam mo may pag kakataon talaga na ang pag ibig ay delikado pero mas delikado ang mga mukhang tanga na ang akala mo ay gusto pa niya pero ayaw na pala. Minsan ay walang tanging gamot sa sugatang puso kundi ang piliting lumimot at bigyan mo ng pag kakataon ang puso mo para maging masaya." tugon ni Yel
"Pero hindi pa rin humuhupa ang galit ko kay Gomer, buhat kagabi ay hindi ko na siya kinausap. Sa isang linggo na ang birthday niya at tiyak na nandoon nanaman si Isabel at gagawa ng eksena."wika ko naman
"Kung sa bagay, lalaki pa rin si Gomer e, pag naka kita ng tahong na naka hain iyan sa kanyang harapan ay tiyak na susunggaban niya agad. Wala namang mawawala sa kanya diba? Tamod lang e itinatapon lang niya iyon kapag na jajakol siya. Basta Ernest, kung ano man ang mangyari ay maging matatag ka nalang at maging malakas."
Natahimik ako at napatingin sa kalayuan. Sa isang linggo ay bakasyon na, isang taon na lamang at maka kakagraduate na ako, siguro ay kailangan ko lang mag titiis. Kapag naka tapos na ako ay maaari na akong umalis at humanap ng magandang trabaho, hindi ko na kailangan maging katulong o alalay ng kung sino man at kabilang banda ay tataas na rin ang tingin ko sa aking sarili. Kaunting tiis pa.. Magiging maayos rin ang lahat.
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...