PAUNAWA:
"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."
The Last Pogi
AiTenshi
Jan 16, 2019
Part 24
"Okay ka lang ba?" tanong ni Gomer noong makita akong nakapikit habang papasok kami sa campus. Nag pasya na akong sumabay sa kanya dahil sira ang aking motor.
"Ayos lang ako, sipon lang ito at kaunting hilo." tugon ko naman.
Hinimas niya ang aking tiyan. "Huwag kang masyadong nag papagod dahil baka maapektuhan ang baby natin."
"Asa ka pa." natatawa kong sagot
"Oo naman, mamaya ay puputukan ulit kita hanggang sa tuluyan ka nang mabuntis." hirit niya sabay halik sa akin.
Bumaba siya sa kanyang sasakyan at binuksan ang aking pintuan dahilan para mapataas ang kilay ng mga beki sa paligid. "Hala, bakit si Ernest? Pati ba naman sasakyan ni Gorien inaakit niya?! Hindi naman siya maganda!" ang reklamo nila noong makita akong bumaba.
"Back to normal" ang bulong ko sa aking isip habang isinusukbit ang aking bag.
Patuloy ang aming buhay sa campus, halos ilang buwan nalang rin ay tapos na ang school year. Sa susunod na pasukan ay 4th year na kami at OJT na lang ang aming bubunuin para makagraduate. Sa wakas ay matutulungan ko na rin si Inay at mabibigyan syang maayos na buhay.
Dahil balik sa normal ang lahat, noong araw na iyon ay simulan na ring gawing ang proyekto ng council sa pamumuno ni Gomer. Siya ang nag plano ng desenyo ng pahingahan sa likod ng campus na kanyang nais. Malaking tulong ang ginawang fund raising ng kanyang mga kabarkada sa compound kaya tiyak na magiging matagumpay ang proyekto niya sa SSC bago matapos ang kanyang termino.
Hindi ko rin naman napapabayaan ang aking pag aaral, naka sali pa rin ako sa top 10 ngunit kahit kailan ay hindi talaga mauungusan si Gomer na top 1 sa lahat ng bagay. Ang kaibahan niya sa mga kabarkada ay hindi ito maangas o mayabang, ang kanyang mga salita ay punong puno ng talino at pangaral. Sa limang alyas ay siya yata ang pinaka naaiba sa lahat. Kumbaga sa mga pulang itlog ay may nahalong kulay puti pero tinanggap ng mga ito at itinuring na kapamilya. Ang sabi sa akin Bogs ay si Gomer ang pang balanse sa kanilang grupo, hindi pwedeng lahat sila ay itlog at mga loko loko. Naalala ko tuloy noong nag kausap kami down sa ospital noong mga oras na nag papahinga si Gomer dulot ng pag kakahampas sa kanyang ulo.
FLASH BACK
"Nasaan si Jom? Kamusta siya?" ang tanong ko noong makita si Bogs na naka upo sa hallway at umiinom ng kape.
BINABASA MO ANG
The Last Pogi (BXB 2019)
RomanceAt ngayong 2019, malugod kong inihahandog sa inyo ang pinaka huling miyembro ng grupo. Si Gorien Merrick Raval "Gomer" ang tinaguriang "The Last Pogi". Siya pinaka bagong tauhan na tiyak na hahangaan at mamahalin ninyo kaya naman samahan natin siya...