TLP Part 2

12.7K 504 48
                                    


PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Dec 21, 2018

Part 2

"Ernest, tawagin mo na si Gorien, bakit hindi pa siya bumabangon? Wala ba kayong pasok?" ang tanong ng kanyang ina habang abala ang mga ito sa pag kain ng almusal.

"Meron po, kaso ay napagod yata siya sa activity nila kahapon sa campus." ang tugon ko habang nag sasalin ng tsaa sa kanilang mga tasa.

"Umuwi raw ito ng lasing at susuraysuray kagabi, totoo ba iyon?" ang tanong ng kanyang ama.

"Natural lang naman po siguro yung mag kasiyahan sila ng kanyang mga kaibigan." depensa ko

"Oo nga naman hon, saka hayaan mo nang uminom paminsan minsan iyang anak mo. Ang mahalaga ay hindi niya pinababayaan ang kanyang pag aaral, top student pa rin siya at achiever sa campus." ang wika ng kanyang ina.

"Aba e dapat lang. Pamilya tayo ng propesyonal, iginagalang at hinahangaan ng lahat. Basta Raval ay mataas ang expectation ng mga tao sa paligid natin. Ayokong madumihan niya and ating reputasyon." ang sagot ni Mister Raval

"Too much pressure ang ibinibigay mo sa anak mo. Hayaan mo siyang mag enjoy." naka ngiting ng kanyang asawa.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag baba ni Gorien, puyat na puyat ito, gusot ang buhok at pulang pula ang mata. "Good morning ma, pa." ang bati niya sabay upo sa lamesa.

Agad naman akong lumapit para ayusin ang kanyang plato at tasang pag sasalinan ng tsaa.

"Bakit naman nag papakalasing ka ng todo? Delikado ang mag drive ng naka inom, dapat ay alam mo iyon." bukod ng kanyang ama.

"Hindi naman ako lasing kagabi. Masyado lamang exaggerated mag kwento yung mga katulong. Kahit itanong pa dito kay Alipin, hindi ako lasing." pag tatanggol niya sa kanyang sarili.

"Hindi lasing? Wasted ang itsura mo anak. Pati ang mata mo ay sabog na sabog. At isa pa ay hindi alipin si Ernest. Mag pasalamat ka sa kanya dahil tinutulungan ka niya at sinusuportahan sa lahat ng bagay na ginagawa mo. Malaki ang utang na loob namin sa kanyang ina kaya hindi mo dapat siya tawaging ganoon." tugon ng kanyang ina.

Hindi sumagot si Gorien, nag kibit balikat lang ito sabay dakot ng ulam gamit ang kanyang mga kamay na ikinagulat ng kanyang magulang. Mga bagay na ngayon lang niya ginawa. "Anak, nandyan ang kutsara at tinidor, bakit dinakot mo ang ulam?" tanong ng kanyang ina

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon