TLP Part 26

8.2K 356 10
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Noong buong mag hapon na iyon ay wala kaming ginawa ni Gomer kundi ang mag lambingan at mag kwentuhan. Paulit ulit rin naming pinanood yung pag awit niya na inupload sa social media ng kanyang mga taga hanga. Ang kantang iyon ay pinamagatan niyang "bulong", tuwing matutulog kasi siya parating ibinubulong sa akin ang mga katagang "mahal kita" at pag gising namin sa umaga ay iyon pa rin ang sinasambit niya sa aking tainga na nag bibigay sa akin ng ibayong saya. Sana ay hindi na matapos ang sandaling kami ay maligaya at perpektong nag sasama.

Part 26

"Good job Ernest, salamat sa pag babantay mo sa aking anak. Ang ineexpect namin ay problema at sakit ng ulo madadatnan pero nag kamali kami." ang wika ni Mrs. Raval

"Hindi naman po, responsable si Gomer at isa siyang mabuting anak. Naging successful ang fund raising niya at nakapag pagawa na siya ng maliit na bahay pahingahan sa likod ng campus na maaaring tambayan ng mga estudyanteng may vacant sa klase." naka ngiti kong wika habang nag lalagay ng kape sa kanilang mga tasa.

Maya maya ay bumaba si Gomer galing sa kanyang silid at noong makita ng kanyang mga magulang ay agad itong lumapit at humalik. "Welcome back ma, pa." bati niya

Hinagkan rin siya ng ina. "Congratulations sa pag kakapanalo mo sa Musikahan, proud kami ng papa mo sa iyo."

"Salamat ma, kamusta ang lakad niyo sa abroad?" tanong ni Gomer sabay upo sa harap ng magulang, lumapit ako sa kanya at nilagyan ng kape ang kanyang tasa.

"Okay naman, marami tayong mga bagong investors. At kapag naka graduate ka ay maaari na kita itraining sa kompanya." ang wika ng kanyang ama.

"Nga pala Gorien, nag kita kami ng mga parents ni Isabel sa Singapore. Nag babakasyon ang kanilang pamilya doon. Matagal tagal na rin mag buhat noong huling makita ko ang batang iyon, ang ganda niya ngayon at bagay na bagay kayo. Ang kanyang mga magulang ay nag mamay ari na rin ng kompanya ng mga sasakyan, biniro nga ako ng kanyang ama na kapag kayo ang nakatuluyan ni Isabel ay mag memerge ang aming mga negosyo at lalong uunlad abroad." ang wika ng kanyang ina.

Napakamot ng ulo si Gomer. "Yeah, i know Isabel. Halos ilang taon ko na rin siyang hindi nakaka usap." sagot ni Gomer, samantalang ako naman ay nag tataka lang at hindi makarelate sa kanilang usapan, kaya naman natawa ang ama ni Gomer noong makita ang aking reaksyon. "Hindi talaga makaka relate si Ernest dahil noong nandito si Isabel ay hindi pa siya naka tira dito. Ang batang babaeng iyon ay ang first love nitong si Gorien. Noong una ay akala namin barkada lamang sila, wala kaming idea na sila na pala. At dumating sa punto na nahuli ng ina ni Isabel sina Gorien at ang kanyang anak na mag kapatong sa kama. Wala namang problema sa akin iyon, barako ang aking anak." ang natatawang wika ng kanyang ama

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon