TLP Part 29

8.1K 412 35
                                    

PAUNAWA:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

The Last Pogi

AiTenshi

Jan 19, 2019

"Walang signal yung network provider ko pero may wifi sila, di ka ba nag iisip? Yung larawan na nakita mo ay ako nga, pero yung babae doon ay hindi si Isabel. Isa lamang iyong mannequin. Maniwala ka, sumpa man! At yung selfie niya siya mismo ang nag upload sa wall ko." ang wika nito

Pumasok ako sa kwarto ko at kinuha ang stuffed toy na pagong. Inihampas ko ito sa dibdib niya. "O ayan si Pagom, kausapin mo siya at baka maniwala siya sa mga kasinungalingan mo! Baliw lang ang makikinig sa katwirang mong pang elementary! Sira ulo!" ang sigaw ko sabay sara ng aking pintuan.

Part 29

"Ang dami mo namang dala. Tulungan na kita." ang wika ko kay Bam noong makita ko itong may buhat isang katutak na folder, libro at kung ano ano pa. Kinuha ko ang kalahati nito at ako mismo ang buhat

"Pinapalipat ni Gorien doon sa pahingahan para may mabasa raw yung mga nakatambay at hindi puro landian ang inaatupag. Pang apat na balik ko na nga ito." ang tugon niya.

"Sige, ako bahala. Tutulungan kita." ang naka ngiti kong tugon, maya maya ay napalingon ako sa center kung saan nakatayo si Gomer. Masama ang tingin nito at nangangasim ang mukha. Pero hindi ko siya pinansin dahil hanggang ngayon naiinis pa rin ako sa kanya. Lumakad kami at ako naman ay nag panggap na hindi siya nakikita.

"Pang apat na balik mo na iyan Bam ah, mukhang pinag iinitan ka ni Gorien." ang wika ni Yel noong makasalubong namin ito.

Natawa si Bam. "Sa palagay ko nga, nonstop ang utos niya sa akin buhat kaninang umaga."

Pag dating sa pahingan, agad naming iniayos ang mga libro at magasin sa cabinet. Wala namang estudyante dito dahil lahat sila ay nasa klase. Nag kataon lamang na vacant namin kaya kami naka labas.

Noong maisalansan ang mga gamit ay nag pasya kaming maupo muna sa balkunahe at mag kwentuhan. Si Yel naman ay busy sa pag susulat ng kung ano man iyon sa kanyang note book. Habang nasa ganoong posisyon kami ay bigla nalang ako napa pikit, wari'y may tumamang dumi sa aking mata. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Bam

"Napuwing lang yata ako, okay na ako." ang tugon ko

"Yung pilik mata mo ay nalagas, nasa eyeball mo ito." ang natatawang wika niya sabay kuha sa kanyang panyo at siya mismo ang nag alis ng dumi rito.

"Tsk! Tsk! At talagang dito pa kayo sa pahingahan ng mga estudyante gumagawa ng milagro?!" ang galit na wika ni Gomer sabay panhik sa balkunahe, hinila niya si Bam at saka sinuntok sa mukha. Nabigla si Bam sa kanyang ginawa kaya nag pakawala rin ito ng isang malakas na suntok na tumama sa mukha ni Gomer.

The Last Pogi (BXB 2019)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon