Chapter 2

4.4K 137 7
                                    


Avril chlea's pov

Pag malaman ng iba ang kahinaan mo, gagawin nilang panlaban yon para pabagsakin ka.

"Sa tingin nyo totoo yong chismiss?" Nakangusong tanong ko kina max. Nandito kami ngayon sa tindahan ni aling baby, ginawa na naming tambayan to pag wala kaming trabaho o ginagawa hindi naman nagagalit si aling baby kaya okay lang.

Tumingin naman sakin si max. "Ewan, hindi namin kasi ganon ang pagkakakilala ko kay mayla." Napatango-tango ako kay max.

Ang pinag-uusapan kasi namin ay yong kapitbahay namin na si mayla. Balita kasi nagpo-prostitute na daw sa isang club sa edad na 13. Kilala ko si mayla, magandang bata at mabait kaya imposible talaga ang chismiss na yan. Tao nga naman oh.

Tumayo na ako. "Mauna na ako sa inyo ah? Lam nyo na." Nakangiting sabi ko kina rico na tumango lang sakin. Alam na nila kung san ako pupunta pag-ganitong oras.

Naglakad na ako at binabati ang mga makakasalubong kong kapitbahay.

"Magandang hapon aling Linda!" Yan ang kapitbahay naming grabe kong makahithit ng sigarilyo. Ginawang extra rice ang pagsisigarilyo. Hindi ko nga alam kung bakit sila naninigarilyo eh masama naman yan sa kalusugan.

"Ikaw pala eya, magandang hapon din."

^_^

"Mang tanyo hawak mo na naman ang manok mo." Bati ko kay manong tanyo na kilala bilang sabungero. Pero kilala din yang mapag-bigay, paglasing nga lang.

=_=

Tinanguan ko naman si Ariel na kilala bilang siga dito samin pero wag kayo, Ariela yan paggabi. Bubugbugin kasi sya ng tatay nya kung lalamya-lamya sya. Ako lang ang nakaka-alam sa tunay nyang pagkatao dahil sakin nya lang inamin.

Hahay. Sad life.

Lumiko na ako sa isang kanto at napangiti ng makita sya.

Lagi ko syang pinupuntahan dito kahit malayo-layo to sa kanto namin. Okay lang.

Nang magkatapat na kami ay umupo ako para magkatapat kami. Na-miss ko din ang isang to.

"Hai Bernie! Musta? Okay ka lang ba dito?" Masiglang bati ko sa kanya.

"Arf! Arf!" Napangiti ako sa sagot nya.  May kakayahan akong maka-intindi ng mga hayop. Isa yan sa magic ko. Sabi nya 'i'm okay, no need to worry eya.'

Oh diba? Ang sosyal ng aso, English speaking with accent pa yan. Nahiya talaga ako.

Inilatag ko naman ang supot na dala ko na may lamang pancit.

"Arf! Arf!" Sabi nya 'what's that eya?'

Ngumiti naman ako at hinaplos sya sa ulo. "Ang paborito mo! Pancit! Kain na."

"Arf! Arf! Arf!" Sabi nya 'nakakasawa but thanks anyway'

Napa-iling nalang ako. Arte ng asong to. Actually, hindi ko naman sya aso. Nakita ko lang sya dito mismo sa gilid ng daan dalawang taon na ang nakakalipas. Ayaw nyang sumama sakin dahil hihintayin daw nya ang pagbabalik ng kanyang amo na iniwan sya. Taray, may pa-comeback ang lolo nyo. Hehehe. Sya din nagsabi sakin na bernie daw talaga ang pinangalan sa kanya.

Pagkatapos kumain ni bernie ay iniwan ko muna sya dahil may trabaho pa ako sa isang tindahan. Kahera ako don.

Hindi lang kasi isang trabaho ang ginagawa ko sa isang araw, may tatlo akong trabaho.  Sa umaga ay sa carinderia, sa hapon ay sa tindahan ni mang Kiko at sa gabi ay sa isang club, waitress ako don.

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon