Chapter 6

3.5K 98 1
                                    


Rhen's pov

"Anong plano?" Seryosong tanong ni drake samin nang makalabas yong bagong katulong at si Louie.

"She need to leave her work ASAP." Tumango naman kami sa sinabi ni brandon.

"Pero pano?" Tanong ko sa kanila.

Nakita naman siguro nila yong nangyari kanina kay Louie. At alam din nila ang nagagawa nong pambihirang babaeng yon kaya pano?

"Bully her" suggest ni cloud. Tinaas ko naman ang kamay ko.

"Ako gagawa!" Napa-iling naman sila sa sigaw ko. *Pout* bakit ba?

"I'll take it now." Tumayo na si brandon at lumabas ng bar room.

Naghintay naman kami ng ilang minuto nang bumukas ang pinto ay napatingin tatlo don at nakita namin si brandon na seryoso lang habang naglalakad.

"Ayaw nya, matigas ang ulo." Napatagis ang bagang namin sa narinig.

"She's still a girl, weak and fragile. Just do it everyday. Drake, cancel our fights this week."

Nagkatinginan naman kaming tatlo sa sinabi ni cloud.

"Shoot! Lagpas sampung salita yon ah?"-drake

"You're improving dude!"-brandon

"Congrats cloud!"-ako

Napa-iling nalang si cloud sa pinagsasabi namin pero kasi na-break nya ang record nya na sampung salita. LUMAMPAS sya don!

......................

Pagkatapos kong maglinis ng katawan ay pinatawag ko yong bagong katulong na si eya para maglinis ng kwarto ko. Tinignan ko ang orasan, alas tres pa lang ng madaling araw.

Syempre may nakaplano ng patibong sa utak ko.

Naka-upo ako sa couch nang bumukas ang pinto. "Pinapatawag nyo daw po ako." Humihikab na sabi pa nya. Mukhang kulang sa tulog.

Pinilit kong salubongin ang kilay ko.

"Sino may sabi?!" Inis na sigaw ko. Para feels.

Nagtaka naman syang tumingin sakin at mukhang nawala na yong antok nya sa sigaw ko. "Si manang." Inosenteng sagot nya.

Mas pinakurba ko ang kilay ko saka binato sa kanya ang dyaryo na hawak-hawak ko. Putek! Nasalo.

"Clean my room." Bagot kong sabi at kumuha ng chocolate na nasa ilalim ng couch.

"Eh? Dyan mo talaga nilalagay ang mga pagkain mo?" Napatingin ako kay eya nang magsalita sya.

"Sinabi ko bang magsalita ka?" Iretabling wika ko.

Umirap naman sya. "All of us have a freedom to speak and have a right to express his/her feelings."

Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi nya. "And now you're talking back? Sino ka ba sa akala mo? Didn't you know that you're just a maid?"

Tumaas naman ang kilay nya. "So? I know I am maid but still, I have a rights to speak."

"You're a trash!"

"Hindi ako basura!" Nagulat ako sa pagsigaw nya. "Katulong ako! Hindi basura!"

Napatampal ako ng noo. Mukhang may mas isip bata pa kaysa sakin.

"Maglinis ka na nga at wag mo kong paki-elaman!"

"Edi wag!"

'Arhg! Bakit ba mas mukhang marunong pa sya sakin?!'

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon