Chapter 33

2.9K 93 3
                                    


Avril chlea's pov

Ang sarap talaga sa paki-ramdam ang makatulong ka sa kapwa mo. Yong parang ang gaan-gaan sa paki-ramdam.

Nong isang araw lang ay pumunta akong tondo. Ang sweldo ko sa mahigit dalawang buwan ay pinangbili ko ng mga pagkain, gamit at iba pa saka ko pinangbibigay don sa taga-tondo.

Nakita kong masaya sila sa ginawa ko. Yon naman ang pakay ko.

Sila Rico at isay ay nakita ko din don at talagang masaya sila para sakin. Si Rico nga todo tanong pa kung saan ako galing, kanino galing Yong mga dala ko at marami pang iba.

Hay...kailan kaya ako makakabalik sa lugar na yon? Pero alam ko na kasing malabo. Malapit na akong umalis. Umalis sa lugar na to.

Mahigit ilang buwan nalang at magla-labing walong taong gulang na ako. At yon na rin ang tamang oras para bumalik.

Hayy...

Ngayon ay nandito ako sa garden ng school. Kanina ko pa hinahanap yong mga alaga kong naging anghel na.

Si Lucy naman ay hindi ko alam pero mukhang absent na naman. Hindi ko na sya nakikita dito sa campus eh. Nong tanungin ko naman ang mga classmate nya ay tinarayan nya Lang ako. Parang ang laki tuloy ng kasalanan ko sa kanila.

Habang nakatingin sa mga halaman ay may biglang pumasok sa isip ko. Sabi ni Ina, hindi lalabas ang kapangyarihan ko kung hindi ko gigisingin. Pano naman kaya?

Ita-try ko ba? Kailangan ba ng focus? Hayy! Hirap nito ah!

Wala sa sariling hinawakan ko ang rosas. Nagpakita ang dyosa ng mundo at kapaligiran. Ibig sabihin, may kapangyarihan ako patungkol sa mga halaman diba?

Pumikit ako at nilagay ang focus sa hawak ko. Nakita kong nagawa na ito ni Ina. Ang gumawa ng isang bagay na hindi nalalanta. At gusto kong subukan yon at baka makuha ko, may pagbibigyan din ako ng rosas.

Pagkalipas ng ilang minuto ay minulat ko ang mga mata ko at nanlaki ang mata sa nangyari sa bulaklak.

Anong ginawa ko?

Natatarantang nakatingin ako sa halaman. Nalanta ito at mukhang Wala ng buhay.

Binalik ko sa focus ang sarili ko at hinawakan ulit ang bulaklak. Kung kaya kong sirain ito, kaya ko ding ibalik ito sa dati. Yan ang tunay na kapangyarihan. Kayang sumira, Kaya ding umayos.

May nararamdaman ako sa katawan ko at parang gusto nitong lumabas kaya hinayaan ko. Sa unay banayad lang ito tapos biglang parang naging presko.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko at napangiti nalang nang makitang nagawa ko. Naibalik ko sa ayos ang bulaklak.

Kumuha ako ng limang piraso ng rosas at nagumpisang maglakad.

Pero bigla nalang umikot ang paningin ko at ang panlalambot ng tuhod ko. Wala na akong lakas nang bigla akong nadapa sa lupa.

Kahit ang sumigaw ng saklolo ay hindi ko na nagawa dahil nilamon na ng dilim ang paningin ko.

Nang nagising ako ay nasa clinic na ako. Nakaharap sa limang alaga ko na mukhang bad mood. Masama ang tingin nila sakin. At halatang galit.

Nagtaka naman ako. Ano bang ginawa ko sa kanila?

"B-bakit kayo ganyan makatingin?" Tanong ko. Aba! Wala naman akong ginagawang masama ah? Ano na naman bang nangyayari sa mga to?

Lahat sila ay tumingin sa kaliwang kamay ko at nang tignan ko naman ang kaliwang kamay ko ay nakita ko don ang limang rosas na kinuha ko. Ang espesyal na rosas.

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon