Avril chlea's povMay mga tao talaga sa paligid natin na sinasamantala ang kahinaan ng isang tao. Pag alam nilang mahina ka sa ganito, gagamintin nilang alas yon para pabagsakin ka. Ang iba naman ay gagamitin yon para maging mas makapangyarihan sila. Ganito ba talaga ang mundo?
"Kung ako sayo, hindi ko gagawin yan." Nakangiting pagbabanta na sabi ko don sa tatlong lalaking ihahampas na sana ang isang bote ng red horse sa isang bulag.
Namamalimos lang naman ang bulag pero nang makita ito ng tatlong tambay na lalaki, napagdiskitahan nila ito.
Tumingin naman sakin yong tatlo at pagkatapos ay humagalpak sila ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Baka naman madumi lang ang mukha ko?
"Hahaha may nagbabaya-bayanihan pre oh! Upakan kaya natin to?" Sabi nong isa at nilapitan ako. Inikutan niya ako at ramdam ko ang hininga nya sa likod ko. Kadiri. Tambay na to.
"Mukhang malinis ka miss ah? Baka pwede tayong maglaro?" Nakangising sabi nong lalaking nasa likod ko.
Palihim akong napangisi. "Sure. Anong lalaruin natin?"
Tumawa naman sila na parang naniniwala sa sinabi ko. Tss.
"Bahay-bahayan kaya miss? Ano sa tingin mo?" Sigaw nong isang may hawak ng bote na ihahampas sana sa bulag kanina.
"Ayoko" seryosong sabi ko. Napa-atras naman sila nang makitang ang ngiti ko ay napalitan ng ngisi. "Gusto ko habol-habolan at ako ng taya. Pagnahabol ko kayo, mag-umpisa na kayong magpa-alam sa nanay nyo."
Tumawa na naman sila. Mga tambay na to, susuntukin ko tong mga to eh.
"Nice joke miss, lakas mong mang-trip ah? Baka nakakalimutan mong nasa teritoryo ka namin? Hindi mo ba kami kilala?" Sabi nong isa sw kanila na seryoso lang na nakatingin sakin.
Well, hindi ko naman talaga sila kilala at wala akong balak kilalanin sila. Napunta lang naman ako dito dahil inimbitahan ako ng tropa kong si max dahil birthday nya pero ito ang nakita ko. Swerte ko noh?
"Eh ako ba hindi nyo kilala?" Maangas kong tanong. Aba! Hindi dahil teritoryo nila to eh hindi na nila ako kikilalanin.
"Sus yan lang pala ang gusto mo miss. Don't wore well know each other." Sabi nong lalaking may hawak ng bote.
Huh? Naintindihan nyo ba yong sinabi nya? Hindi ako nakapag-aral sa mundong to pero para sakin hindi tama yong english nya eh.
Binatukan naman sya nong lalaking katabi nya. "Bugok hindi naman ganon yon! Ganito yon" tumingin sya sakin "miss have a sit"
O.o
Huh? Saan ako uupo?
Napa-iling nalang ako. Imbis na mag-aral ng English para may matutunan, ito pa ang pinagkaka-abalahan.
Amputs!
"Hoy kayong mga gago! Ganito kasi yon!" Sigaw ng lalaking nasa likod ko. Humarap sya sakin at nilahad ang kamay nya. "I'm good"
O.o
Ayoko na! Suko na ako sa kanila! Nakakabobo sila kausap! Dyos ko!
"Bugok hindi naman ganon yon eh!"
"Mga tanga talaga kayo!"
"Tama kaya yong akin!"
At ayon na, nagsuntukan na sila at bugbugan. Parang may pagkakaibigang magtatapos sa araw na to.
At dahil yan sa grammar at English word.
Napa-iling nalang ako habang busy sila sa pagpapalitan ng mga suntok ay inalalayan ko na yong bulag para mailayo don sa mga lalaking yon.
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...