Chapter 30

3.1K 95 0
                                    


Avril chlea's pov

Mahimbing lang akong natutulog nang maramdaman kong may pumasok sa tent na ginawa ko.

Antok na antok na ako kaya hindi ko nalang sana papansinin yon nang maramdaman kong may humiga sa tabi ko.

Nagmulat ako at tinignan kung sinong tumabi sakin at napalunok nalang nang Makita si cloud. Ang isang kamay nya ay nakapatong sa mukha nya kaya hindi ko malaman kung tulog ba sya o gising. At dahil nandito sya, hindi ko na naman maiwasan na hindi bumilis ang tibok ng puso ko.

Bahagya ko naman syang siniko. "H-hoy...c-cloud....bakit ka nandito? A-ano bang ginagawa mo dito ah?" Natataranta kong tanong.

Hindi pa rin talaga ako sanay na ganito na ang ugali nya eh. Hindi ko maintindihan kung may tupak lang ba sya o trip nya lang akong asarin. Hindi naman sya ganito dati eh. Ang cloud na nakilala ko ay walang paki-alam sa paligid.

Hindi naman sya sumagot kaya baka nakatulog na. Dahil wala namang makakaalam ay pinagmasdan ko muna sya.

Ang gwapo nga talaga ng isang to. Kahit halos walang emosyon ang mukha at mata ay gwapo pa rin. Kahit bata pa ay may hubog na ng katawan at maaakit ka talaga.

Naaakit ka? Tanong ng isang bahagi ng utak ko.

Hindi ah! Sagot naman ng Isa. Nakakabaliw naman to!

"I might melt baby."

Nahigit ko nalang ang hininga nang biglang magsalita si cloud. Akala ko ba tulog to? Wahh! Nakita ba nyang nakatingin ako sa kanya?!

Mas lalong napigil ko ang hininga nang ialis ni cloud ang kamay na nakapatong sa mukya nya saka tinignan ako.

"A-anong pinagsasabi mo dyan?" Pinilit kong magtunog mataray para maitago ang hiyang nararamdaman ko. Sabay iwas ng tingin din. Walanghiyang lalaki to!

"Your staring at me a minute or so." Sabi pa nya at kahit hindi ko na tignan ay alam kong nakangisi sya.

"H-hindi ah! Ano bang ginagawa mo dito? Nasisiraan ka na ba talaga?" Panenermon ko pa which is totoo naman talaga.

Ano bang pumasok sa isip nya at pumasok sya dito sa tent ko. Pano kung makita kami ng iba? Ano nalang sasabihin nila?

"I have a question to ask."

Tinignan ko naman sya at kahit naiilang dahil sa lakas ng tibok ng puso ko ay sinalubong ko ang mga titig nya.

"Ano naman yon? Sabihin muna para maka-alis ka na dito. Hindi magandang tignan sa isang babae na may kasamang lalaki sa iisang tent." Pagpapaliwanag ko pa kahit hindi naman talaga yon ang unang dahilan ko. Ayoko lang ganito ang nararamdaman ko pag malapit sakin si cloud. Hindi ko kasi alam pano i-handle. Huhuhuh. Pano ba kasi?

"Will you be my girlfriend?"

Napakurap-kurap ako habang pilit na isinisiksik ang mga sinabi ni cloud.

"What's your answer?"

Nakatulala lang ako habang nagsi-sink in sakin ang tanong. Bakit parang tumigil ang mundo?! Arhg! Malala na ako!

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon