Avril chlea's povNaghahanda pa rin ako ng pagkain nang may biglang mag-takip sa mata ko. Mahigpit kong hinawakan ang tinidor na hawak ko dahil naghahanda na ako ng plato at kutsara sa lamesa.
"Kung ayaw mong masaksak ng tinidor na hawak ko umalis ka sa likod ko at i-alis mo yang kamay mo sa mukha ko." May diing sabi ko.
Kaagad namang inalis ng may-ari ng kamay na nakatakip sa mata ko matapos ko yong sabihin.
Tinignan ko ng masama ang limang demonyong nasa harapan ko. Maka-ngiti kala mo inosente!
Dinuro ko sila gamit ang tinidor na hawak ko. "Hoy mga leche! Wag kayong ngumiti ng ganyan baka makalimutan kong masama ang pumatay ng tao at mapatay ko kayo." Sikmat ko sa kanila. "Akala nyo hindi ko alam na may nilagay kayong ano don sa ini-spray nyo sa sasakyan para makatulog ako!" Binalingan ko ng tingin si cloud na mukhang wala namang paki sa paligid. "Mas dinadagdagan nyo lang ang inis ko sa inyo------" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang i-upo ako ni rhen sa upuan at subuan ako ng tissue.
"Ang ingay mo. Nagugutom na ako. Dami mo pang sinasabi eh!" Singhal sakin ni rhen. Makikipag-argumento na sana ako nang magsi-upuan yong apat sa mga bakanteng upuan.
Bali ganito ang set-up sa table.
Bakante------louie----drake----
Table
Rhen-----------ako----brandon---cloud
"K-kakain kayo....sa luto ko?" Halos pabulong ko ng tanong. Pasimple ko ding tinignan si Brandon na maganang kumakain. Ang alam ko ayaw nya sa Hindi chef ang nagluluto? Anong nangyayari? Guguho na ba ang mundo?
Tinignan ako ni Drake na parang Isa akong bagay na ngayon nya pa lang nakikita. "Alangan namang titigan lang namin ang pagkain na niluto mo? Tss. Dorky."
Tinaasan ko sya ng kilay. "Bumalik na naman yang pagtawag mo sakin ng dorky! Kayo! Ang dami nyo ng kasalanan sakin pero pinapalampas ko lang yon! Pag ako talaga nasagad nyo ang pagtitimpi ko ililibing ko talaga kayo ng buhay!"
"Can we eat in peace and silence?" Tanong ni cloud dahilan para mapipilan ako.
Siniko naman ako ni rhen na katabi ko kaya siniko ko din sya pabalik. "Wag ka ngang magulo." Suway ko sa kanya at tinutok nalang ang tingin sa pagkain.
Pagkatapos kumain ay basta nalang tumayo at umalis ang mga demonyo sa kusina kaya wala na akong nagawa kundi ang maghugas ng pinagkainan nila. Mga walangya!
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...