Avril chlea's povHinatid ko nga si Lucy sa labas. May tinawagan naman sya para sumundo sa kanya. Naaawa ako kay Lucy pero alam naman nyang mali ang ginawa nya.
Pinatahan ko muna sya at nang dumating ang sundo nya ay umalis na rin sya.
Nang makaalis si Lucy ay pumasok na ako sa loob.
Hindi muna ako pumunta sa salas dahil baka nag-uusap yong Lima sa nangyari kanina. Dumiretso ako sa garden kung nasan yong limang prinsepe.
"Mga prinsepe!" Masiglang tawag ko.
Lumingon naman sila sakin at ngumiti. "Prinsesa."
Nginitian ko sila at gumaya ng upo sa damuhan.
"Ano ng gagawin natin ngayon? Ilang araw tayo dito?" Tanong ko sa kanila. Kanina ko pay gustong itanong yon eh. Dumating lang yong Lima.
Nagsalita so dominus. "We will stay here after we dispose the dark Kings allies here in earth. Tuloy pa rin ang plano prinsesa. Me and nikolou will take care of your training, secretly dahil mukhang may balak yong limang may-ari ng bahay na to na ikulong ka." Napailing si dominus. Alam ko ang feeling na yan. Hindi ka nag-iisa brad.
"Matanong nga kita prinsesa, ano na bang alam mo sa kapangyarihan mo?" Tanong ni Philip.
Napaisip naman ako. "Ang alam ko ay yong limang senses ay mas malakas ako. Mas malakas ang pandinig, pang-amoy, paningin, pang-lasa, at paghawak. Nong mga nakaraang araw lang ay nagpakita sakin ang mga dyos at dyosa. Ewan ko kung anong nangyari pero bigla nalang akong nawalan ng malay eh."
Natahimik naman sila. Nag-iisip ata.
Si prinsepe firus ang bumasag sa katahimikan. "Baka may kinalaman yan sa mga kapangyarihan mo prinsesa."
Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. "Sabi ni Ina sakin noon, hangga't ang isang nilalang ay nasa ibang dimensyon, makukuha nya ang kapangyarihan pag may nangyaring kakaiba sa kanya. Hindi ko alam kung anong tawag don sa nangyari sakin pero sa isip ko ay parang ganon na yong sinabi ni Ina."
Tumayo si renant. "Kailangan mong gisingin ang kapangyarihan sa iyong katawan prinsesa. Yan ang nabasa ko don sa isang libro sa eskwelahan ng mahika. Gisingin ang natutulog na kakayahan upang malaman ang tunay na kapangyarihan."
Nginitian ko silang lahat. "Hindi talaga ako makapaniwala na nandito kayo. At least, ngayon ay mapapanatag na ako sa lahat ng gagawin ko."
They smiled back. A genuine one. "It's our pleasure to be with the next queen of whiteria." Nahiya naman ako sa sinabi ni dominus.
Nginitian ko nalang sila. Tumayo na ako at tinignan ang loob ng bahay. Salamin naman ang nagsisilbing pader eh kaya nakikita namin ang loob mula dito sa labas.
"Tara na. Pumasok na tayo. Baka kung ano ng nangyari don sa lima." Sabi ko sa kanila.
Kaagad naman silang tumayo at sumunod sakin.
..................
"Mahal na prinsesa."
Naalimpungatan ako sa pagtulog dahil parang may nagsasalita sa gilid ko.
Nagmulat ako at nakitang wala namang tao. Pumikit ulit ako at ready na sanang hilahin ng antok nang marinig ko na naman ang boses.
"Bangon na prinsesa."
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...