Avril chlea's povHay.....Balik eskwela na naman kaming anim. Parang sembreak lang namin dahil sa ginawa naming bakasyon.
Si Lolo George naman ay nakalabas na sa ospital at nagpapahinga nalang ngayon sa isang vacation house nya daw na nasa tagaytay. Sosyal talaga ni Lolo, may private vacation house.
Balik tayo sa eskwela, Kung noon ay may taga-hatid ako, ngayon ay yong lima na mismo ang nag-offer na sumakay ako sa sasakyan nila. Kaya para walang away, napagkasunduan namin na by schedule ako sasakay sa kotse nila. Buti pumayag ang mga damuho!
Sa lunes ay sa kotse ni Louie ako sasakay. Sa martes naman ay si rhen. Tapos sa Wednesday ay si Drake. Tapos si Brandon sa Thursday at Friday naman si cloud. Pinag-isipan noh?
At dahil Monday ngayon! Sasakay ako Kay Louie!
"Eya kung maraming magkagusto sayo at sabay Kang liligawan, may sasagutin ka ba?" Tanong ni Louie habang nagmamaneho sya.
Nagsalubong naman ang kilay ko sa tanong nya. Tanong pampalipas oras ba to?
Pero napaisip ako. Naisip ko yong sinabi ni Ina sakin. Dahil Isa daw akong prinsesa, maraming prinsipe daw ang mangangahas na sumubok kunin ang puso ko at gugustuhing magpakasala sakin.
"Hindi ko alam. Depende." Sagot ko.
"Depende kung?"
Tumingin ako kay louie. "Depende Kung Isa sa kanila ay gusto ko."
Tumango-tango naman sya. Ano bang nasa isip ng isang to? May mga manliligaw ba to?
"Bakit mo pala natanong?" Tanong ko at nakita ko namang natigilan sya. "Ikaw ba yong maraming manliligaw?"
Tumawa naman sya ng malakas na malakas na akala mo wala ng bukas. OA na to!
"W-wala....Wala.."
Tumango nalang ako dahil madali naman akong kausap. Nang makarating kami sa eskwelahan ay una na akong bumaba at nakita ko ang mga estudyante na nakatingin samin sabay bulungan.
"Don't mind them." Sabi naman ni Brandon nang makalapit sila samin ni Louie.
Binalingan ko naman sila ng tingin. "Ano bang ginagawa nyo sa mga estudyante dito at takot na takot sila sa into?"
Napa-tsk naman si Drake sa tanong ko. "We punish, we put them in hell."
Mas lalo naman akong na-curious. "Pano?"
"You want to see?" Tanong ni Louie. May ngisi sa labi nya na mukhang matatakot kung sino man ang kausap.
Mabilis naman akong tumango. "Oo."
"Later, for now, it's time for studies." Sabi ni Brandon at nauna ng maglakad.
Sumunod naman ang Iba at tulad ng nakagawian ko, sa unahan ang lima at ako ang nasa likod nila.
Pero ganon nalang ang gulat ko nang may biglang humila sa isang kamay ko at hinila ako papunta sa unahan. Nang tignan ko naman ay agad akong inatake ng kaba nang makitang si cloud yon.
"Better." Simpleng Sabi nya habang tinitignan ako.
Nang tignan ko naman ang pwesto ko ay nanlaki ang mata nang makitang nasa gitna na ako. Pinaggigitnaan nina Brandon at cloud.
Inakbayan naman ako ni Brandon. "Treating eya as our princess, rule number 1." Sabi nya at ngumiti. Napangiti naman ako.
Nakarinig naman kami ng pagtikhim galing Kay Drake na katabi lang ni Brandon. Masama ang tingin nya samin.
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...