Avril chlea's povNasa garden ako ng school at nagla-lunch. Ayokong kumain don sa cafeteria dahil nandon yong Lima kong mga alaga na nuknukan ng bait. Si Lucy naman ay pinatawag pa ng adviser nila at Kung bakit ay hindi alam. Basta nagpa-alam lang sya na aalis.
Habang kumakain ay napapa-isip ako.
Kung si Audrey ang dahilan Kung bakit masama ang ugali nila Brandon, bakit naman kaya? Anong nangyari? Dahil ba iniwan sila ni Audrey kaya nagbago sila? Anong dahilan?
"LOUIE!"
Napalingon ako sa likod nang marinig ang sigaw na yon.
Nagtaka ako nang makita si Louie na tumatakbo papunta sa deriksyon ko. Nang tignan ko naman ang nasa likod nya ay nanlaki ang mata ko nang makita ang maraming bakla na humahabol sa kanya.
"Eya itago mo ko!" Sigaw ni Louie at nagkanda-ugaga naman ako sa pagligpit ng mga gamit ko at nang makalapit si Louie ay Basta ko nalang syang hinila at tumakbo kami ng mabilis na mabilis.
..............
"A-ano? W-wala na ba?" Tanong ni Louie habang pasilip-silip sa hallway.
Habang tumatakbo kanina at may nakita akong classroom na bukas kaya dito kami nagtago. Buti at mabilis kaming tumakbo at naiwala ang mga baklang yon.
"A-ano ba kasing nangyari?" Tanong ko habang humihingal. Kapagod tumakbo!
Hinabol muna ni Louie ang hininga kaya kinuha ko ang tubig sa bag at binigay sa kanya. Tinitigan naman nya ako.
"Hindi nalulusaw yan kaya wag mo ng titigan. Iniinom yan, Hindi mo alam?" Sabi ko naman sa tonong nang-aasar. Agad naman nya akong sinamaan ng tingin.
"Ayoko! Baka may lason yan." Binigay nya pabalik sakin ang bote ng tubig.
"Bahala ka sa buhay mo, arte!" Nasabi ko nalang at kinuha pabalik ang bote saka binuksan at ininom yon.
Nangalahati naman ako nang ibaba ko ang bote at laking gulat ko nalang nang biglang agawin sakin ni Louie ang bote at sya naman ang tumungga.
Napatanga ako sa ginawa nya. "T-teka....ininoman ko yan!" Sigaw ko.
Tinaasan lang ako ng kilay ni Louie. "So? Uhaw ako eh." Sabi lang nya at nagpatuloy sa pag-inom.
Nakatanga lang ako habang nakatingin kay Louie.
Nang maubos nya yon ay agad kong kinuha sa kanya ang bote.
"Sarap" nakangising Sabi nya habang nakatingin sa----labi ko? Bastos!
Hinampas ko sya ng bote na hindi naman nya nailagan. "Bastos!"
"A-anong! Sinong bastos? Hoy eya! Wag ka ngang feeling! Ang sabi ko ang sarap ng tubig!" Singhal nya sakin dahilan para mapasimangot ako.
"Eh bakit ka nakatingin sa labi ko?!" Singhal ko din sa kanya. Akala nya hindi ko nakita yon ah!
"Indirect kiss" mahinang bulong nya na rinig ko naman kasi nga diba? May kakayahan ako.
"May first kiss ka na ba eya?" Nagulat ako sa tanong ni Louie. Bakit nya ba tinatanong?
Umirap lang ako sa kanya at tumingin ulit sa hallway at nang makitang Wala na talagang mga bakla ay tumingin ulit ako Kay Louie na nakita kong pangiti-ngiti.
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...