Avril chlea's povTahimik lang akong kumukuha ng juice para sa anim na tao. Nasa salas yong lima kasama yong...Yong babae na pinangalanan ni Brandon kanina na audrey.
Maganda sya at mukhang mabait. Yon na yata si Audrey. Kaya naman pala sila nagkagustong lahat dahil kagusto-gusto naman talaga ang ganda ni Audrey.
Ngayon, hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nandito na si Audrey o hindi. Magiging masaya dahil tuluyan ng babalik ang Lima sa dati o hindi kasi parang mawawalan na ako ng silbi bilang P.A nila.
"Ayos ka lang ba eya?" Napaigtad ako nang biglang may nagsalita.
Nilingon ko naman ito at napangiti nang makita si manang Lisa.
"Kayo po pala manang." Nakangiting sabi ko. Lumapit naman sya sakin at tinignan ang dala ko.
"Bumalik na sya." Parang wala sa sariling sabi ni manang Lisa. Parang sa sarili nya ito sinasabi. "Sana maging maayos na sila." Tapos ay huminga si manang Lisa ng malalim.
"Ano pong....ano pong ibig nyong sabihin manang? Bakit? May problema ba?" Tanong ko kay manang. Para kasing ang laki ng problema nya.
Tumingin sakin si manang saka ngumiti. "Wala wala. Sige na, ihatid mo na yan. Hinihintay na yan nila rhen."
Tumango naman ako at lumabas na ng kusina. Nang makarating ako sa sala ay tahimik lang sila habang nagpapalitan ng tingin.
Nang nilapag ko naman ang dala kong tray kung saan nakalagay ang mga juice ay napatingin sila sakin.
"Who are you?" Tanong ni Audrey. Tinignan ko sya at bahagyang natigilan dahil may nararamdaman akong Iba.
Parang pamilyar sakin ang presensya nya. Hindi ko man nasabi. Kahit Wala pa akong mga kapangyarihan ay likas na sakin ang makaramdam ng presensya at tikas ng pagkatao.
Nagtaka ako nang umiwas sakin ng tingin si Audrey. Para talagang kilala ko sya eh! Parang matagal ko na syang kilala! Hindi ko lang alam kung sino.
Hindi ko nalang inisip ang nararamdaman ko at pilit na ngumiti sa kanilang lahat.
"She's eya----" Pagpapakilala ni drake sakin pero inunahan ko na.
"P.A nila. Maiwan ko muna kayo." Nakangiting sabi ko.
Hindi ko na hinintay ang sasabihin nila at tinalikuran na sila pero napatigil din agad nang marinig ba nagsalita si cloud.
"Stay eya." Cold na sabi nya.
Humarap ako sa kanila at nakatingin silang lahat sakin. Tahimik nalang akong napamura sa isip at umupo katabi ni rhen.
Tahimik na naman ang buong sala. Nagpapakiramdaman sila at kahit ako nakikiramdam na rin.
"Ikaw pala si audrey. Ang ganda mo pala." Pagbasag ko sa usapan.
Mukhang nahiya naman si Audrey at pilit na ngumiti. "T-thanks." Tapos may accent pa. Ang ganda nya talaga!
"Mas lalo kang gumanda Audrey! San ka ba galing?" Tanong ni rhen na pilit ding winawala ang ilang sa paligid. "Na-miss ka namin! Ang daya! Bakit hindi mo kami binisita?" May tampo sa boses nito.
Natawa naman si Audrey. "Hahaha. You're still the cutest rhen."
Namula naman si rhen sa sinabi ni Audrey.
Tumikhim naman si Brandon dahilan para mapunta sa kanya ang atensyon namin. "How are you Audrey? It's been a while." Pormal nitong Sabi.
Ngumiti naman si Audrey at nakita ko ang paghagod nya ng tingin Kay Drake na nakatitig Lang sa kanya. "I'm okay now. I'm all healed up from what happened." Nakangiting sabi ni Audrey.
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...