Chapter 49

3.1K 77 1
                                    


Avril chlea's POV

Nanlaki ang mata ko nang makitang sunod-sunod ang putok na narinig namin dito sa loob ng hall.

Nakita ko mismo ang pagsuka ni Cloud ng dugo at ang pagtagos ng bala mula sa may dibdib niya.

"CLOUD!" Sigaw ko at kaagad na nilapitan si Cloud saka inagap.

Sunod-sunod pa rin ang pagputok ng baril sa paligid kaya napalinga ako at ganon nalang ang singhap ko nang makitang nakahandusay na sila Rhen.

"H-hindi..." Umiiyak kong sabi.

Tinignan ko si Cloud at nayugyog. "Cloud gising! Cloud! Cloud!" Sigaw ko at patuloy na niyuyugyog si Cloud pero nakapikit na ito.

Parang may kung anong pumunit sa puso ko habang nakatingin kay Cloud. Parang may nakabara at hindi ko na maiwasan ang mapahiyaw ng iyak.

Nilibot ko ulit ang paningin at may mga armadong lalaki na ang papalapit sa'kin at may dala silang mga baril.

Pero kahit gano pa kahaba ang mga baril nila, wala man lang akong maramdamanang takot. Wala akong ibang maramdaman kundi ang galit na unti-unting namumuo sa katawan ko.

Binitawan ko muna si Cloud saka hinarap yong mga lalaki.

Nakatutok na sa'kin ang mga baril nila pero hindi man lang ako kinalabit ng takot.

Ang totoo, mas galit ako habang kaharap sila.

"Mag-iingat kayo sa babaeng yan! Malakas yan!" Sabi nong na parang wala lang ako sa harap nila.

"Sabi ni boss saktan hindi patayin! Kailangan pa ang babaeng yan!" Gatung naman nong isa pa.

Napapikit naman ako sa inis.

Sana lang maalala ko pa rin na tao lang sila ngayong galit na galit ako dahil na rin sa ginawa nila. Hindi ko hahayaan na mabuhay pa ang mga nilalang na to na walang ibang ginagawa sa buhay kun'di ang manakit ng iba para sa sarili nila.

Nang magmulat ako ay nakatutok na sa ulo ko ang baril.

Isang kisap mata lang ay nagawa kong mawala sa paningin nila at kaagad na pinagsusuntok sila na hindi nila nakikita dahil sa bilis ng galaw ko.

Nilalagyan ko talaga ng lakas para agad na silang mawalan ng malay. Wala akong balak pumatay kahit na gustong-gusto ko ng ilagay ang buhay nila sa kamay ko.

Ngayon, anim nalang na lalaki ang kaharap ko. Ramdam kong nanginginig sila habang nakaharap sa'kin pero isang ngisi lang ang isinagot ko sa kanila.

Nagpaputok sila pero masyado akong mabilis para ilagan lahat ng bala.

May ngisi sa labi ko na mukhang mahirap burahin.

Pinagsisipa ko sila na dahilan ng pagkakabalibag nila sa malayo.

Hindi pa ako nakuntento at pinag-uuntog ko pa sa isa't isa.

Medyo hiningal ako nang matapos ko sila lahat at bubuntong hininga na sana ako nang biglang magsulputan ang maraming armadong lalaki sa harap ko.

Nakatutok na naman ang mga baril nila sa'kin. Nabuo ang isang malawak na ngisi sa labi ko at nag-umpisa na namang gumalaw ng mabilis na talagang halos hindi na makita ang galaw ko.

Binabalibag ko nalang yong iba at ang ibang nagpapaputok ay binabali ko ang baril.

Nakangisi lang ako habang gumagalaw ng mabilis. Hindi nila ako makikita dahil ordinaryong tao lang sila.

Hindi rin naman nagtagal ay nakahandusay na ang lahat.

Mas lalo naman akong napangisi pero nawala ang lahat ng yon nang makita ko ang mga alaga ko.

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon