Chapter 12

3.2K 98 1
                                    


Avril Chlea's pov

Dalawang araw na rin ang nakakalipas mula nang kausapin ako ni brandon at sa totoo lang, mas nagiging maingat na ako ngayon. Hindi na ako gumagawa ng mga bagay na makakapagpahamak sakin. Kailangan kong mag-doble ingat kung ayaw kong malaman ng iba ang sekreto ko.

Ngayon ay nasa garden ako at nakahiga sa damuhan habang nakatingin sa kalangitan. Ang aliwalas ng langit. Halos walang clouds---speaking of cloud. Napabangon ako nang wala sa oras nang mamataan ko hindi kalayuan si cloud.

Naglalakad lang sya at hindi ko alam kung san sya pupunta. Tumayo naman ako at kinuha ang bag saka naglakad din papunta sa gawi ni cloud pero hindi pa man ako nakakalapit ay may humila na sakin dahilan para doon matuon ang atensyon ko at nang lingunan ko ang humihila sakin ay seryosong mukha ni louie ang bumungad sakin.

"A-anong ginagawa mo?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kamay nyang hawak ang braso ko.

"Ikaw, ano sa tingin ko ang ginagawa mo?" Nagulat ako sa kaseryosohan ng boses nya. "Didn't you know that chasing cloud will make you good?!" Mas nagulat ako sa pagtaas ng boses nya.

"A-ano bang pinagsasabi mo dyan?" Naitanong ko nalang.

Tinignan nya ako ng masama. "You're not think you idiot! I saw you, you're about to chase cloud that's why I stop you. Ayaw na ayaw ni cloud ang sinusundan sya at hindi mo magugustuhan pag nalaman nyang sinusundan mo sya." Napatitig ako kay Louie. Ang seryoso ng mukha nya at hindi sya yong palaging nakangiting Louie na nakilala ko.

"Nag-aalala ka ba para sakin?" Mukhang natigilan sya sa sinabi ko. Nakita ko kung pano sya napalunok sa tanong ko.

"Why would I care for you?" Tanong nya sakin. Nagtatakang tinignan ko naman sya.

"So bakit mo ginagawa to?" Ngayon sya naman ang natahimik sa tanong ko. Napa-cross arms ako at tinaasan sya ng kilay.

"Forget about it." Nagsalubong naman ang kilay ko sa huling binitawang salita sakin ni Louie. Basta nalang din syang umalis na parang walang nangyari.

'naaano na naman ba ang isang yon?'

Napa-iling nalang ako at pumasok nalang sa loob ng klase.

..................

Kakatapos ko lang mag-basa ng libro sa library at ngayon ay pabalik na ako sa room para kunin ang mga gamit ko na iniwan ko kanina. Nagugustuhan ko na ang magbasa ngayon, lalo na sa loob ng library dahil tahimik at walang istorbo.

Papasok na ako sa loob ng classroom nang lumabas si drake sa pinto kaya napahinto at napahinto din sya nang makita ako.

Nginisihan nya lang ako at nilampasan. Nagtatakang pumasok ako sa loob ng classroom.

Nang isara ko ang pinto ay may narinig akong parang nahulog. Nang tignan ko naman ay nakita ko ang maliit na bakal na nahulog dahilan para tumilapon ang ruler na nasa sahig at natamaan non ang isang pindutan dahilan para gumulong ang holen sa isang tubo at nahulog sa sahig na may kahoy dahilan para matumba ang kahoy sa hanay ng mga libro at nagsunod-sunod na ang pagtumba ng libro hanggang huling libro ay natumba sa isang pindutan.

Nanlaki ang mata ko nang bigla nalang lumitaw galing sa kung saan ang isang basket na may lamang mga bola. Hindi ito bola ng basketball dahil maliit, sa baseball ata?

"Ahhhhhhh!" Napahiyaw ako nang bigla nalang magliparan sa harap ko ang mga bola ng baseball at hindi na ako naka-ilag pa at sunod-sunod na tumama sakin ang mga bola. Napahiga naman ako sa sahig nang tamaan ako sa binti at napahiyaw ulit dahil sa sakit.

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon