Chapter 20

3.2K 104 8
                                    


Avril chlea's pov

Nakikinig lang ako kay lucy habang nagku-kwento sya kung bakit patay na patay sya kay drake.

"Tapos simula nang ipagtanggol nya ako don sa mga bata ay naging malapit kami sa isa't-isa at lagi na nya akong pinagtatanggol sa mga batang umaaway sakin." Nangingiting pagku-kwento nya.

Napangiwi naman ako. "Pero ngayon sya na ang nang-aaway sayo."

Nakita ko kung pano nalipat sa malungkot na ekspresyon ang nakangiti nyang mukha. "Ayon lang." Malungkot nyang sabi.

"Wag kang mag-alala, babalik sa dati ang lahat." Pangungumbinsi ko pa. Yan naman kasi ang trabaho ko. Ang gabayan ang mga demonyong yon. Heheheh.

Ngumiti sya sakin. "At pag bumalik sa dati ang lahat, gagawin ko ang lahat mapansin lang ako ni drake. Kahit ligawan ko pa ang isang yon."

Natawa nalang ako sa sinabi nya. Ganyan talaga sya kabaliw kay drake.

Nagtaka ako nang nagmamadaling maglakad ang mga estudyanteng nakakasalubong namin tapos yong pasabay naman naming naglalakad ay umaatras tapos ito namang kasama ko ay napahinto sa paglalakad.

"Hoy? Anong nangyari sayo?" Nagtatakang  tanong ko.

Nakita kong namutla sya at nakatingin lang sa isang deriksyon.

Tinignan ko naman ang tinitignan nya. AYON!

Yong limang damuho nag-grand entrance na naman. May pa-kamay sa bulsa pa at seryosong tingin, well, except kay rhen na kumakain ng lollipop habang naglalakad pero cool pa rin tignan.

'Ano na namang drama ang sinalihan ng mga to?'

Hindi ko na namalayan na wala na palang tao sa paligid at kahit si lucy ay nawala na sa tabi ko. Halos kaming anim nalang ang nandito sa hallway. Pero alam kong nasa paligid lang ang iba, mukhang may balak manood ng drama ah?

Huminto naman ang lima sa tapat ko. Pinameywangan ko silang lima.

"Ano na namang drama nyo kanina?" Tanong ko.

Ngumisi lang si drake at tinulak ng bahagya ang noo ko. Sinamaan ko sya ng tingin na alam ko namang walang epekto.

"Sama ka samin eya!" Masiglang sabi ni rhen. Tinaasan ko sya ng kilay.

"Last time na sumama ako sa inyong lima, gyera ang hinarap ko tapos pagkakatiwalaan ko pa kayo nyan?" Sarkastikong sabi ko. Totoo naman kasi.

Ngumisi si louie habang malaki naman ang ngiti ni rhen.

"Wala ka namang magagawa eh, trabaho mo yon." Sagot ni brandon. Inungusan ko sya.

"Saan ba kayo pupunta?"

"Tayo eya! Diba sasama ka?" Tanong ni rhen. Inirapan ko lang sya.

"Tara na nang maka-uwi na tayo. Mga mga loko-loko kayo, pati ako dinadamay nyo jan sa kalokohan nyo. Tara na nga!" Tumalikod naman sila at nauna. Nakasunod naman ako.

..................

Ako ang huling bumaba sa sasakyang ginamit ng mga demonyo kong amo nang huminto ang sinasakyan nilang van, katulad ng ginamit nila nong nalasing silang lahat.

Paglabas ko ay natigilan na naman ako nang may kaharap na nasa limampung lalaki ang mga alaga ko. Bakit nagulat pa ako?

Napahinga nalang ako ng malalim at tumabi kay rhen na kumakain pa rin ng lollipop. Parang wala syang paki-alam sa paligid o normal na to para sa kanya? Ano pa bang aasahan mo?

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon