Avril chlea's POV
Nagpatuloy ang pagsasanay ko sa mundong ginawa ni Philip pagsumapit ang madaling araw at pag umaga naman ay ensayo naman sa sayaw. Walang katapusang pag-eensayo hanggang sa malaman ko na lahat. Mula sa maliit kong kakayahan hanggang sa mga elementong taglay ko.
Sa ngayon ay dalawang elemento pa ang alam naming taglay ko. Ang earth at water.
At excited ako ngayon sa araw na to dahil sasama ako sa mga prinsepe sa paghahanap ng mga masasamang nilalang na napunta rito sa mundo ng mga tao.
"Ikaw prinsesa, magmanman ka sa mga nangyayari. Pag-aralan mo kung pa'no lumaban at depensahan ang sarili." Utos ni dominus dahilan para mapasimangot ako.
"Hindi ba ako lalaban?" Tanong ko sa kanila. Umiling lang silang lahat. Mas napasimangot naman ako. "Bakit naman? Para saan pa ang pagsasanay ko kung hindi ko naman pala magagamit." Nagtatampong sabi ko sa kanila.
Makonsensya kayo please!
Huminga naman ng malalim si firus bago magsalita. "Hindi ka maaaring magpakita sa mga kalaban prinsesa, baka malaman ng dark king na nandito ka sa mundo ng mga tao at baka kung anong gawin non dito."
Wala na akong nagawa kun'di ang tumango. Ano pa nga bang magagawa ko?
Nag-aayos na sila habang ito ako, nakatanga sa isang sulok.
Nang matapos sila ay sumunod na rin ako. Nag-teleport lang kami gamit ang kapangyarihan ni dominus.
Napunta naman kami sa isang abandonadong lugar. Tahimik ito at mukhang walang tao.
"Finally, after a long time, nakilala ko rin ang mga underlings ng monarchy."
Napatingin ako kina dominus nang may marinig na nagsalita.
"May tao?" Tanong ko sa kanila.
Akala ko na mga kampon ni dark king ang pinuntahan namin dito? Bakit may mga tao?
Umiling naman si firus. "Hindi mga tao ang kakalabanin natin dito prinsesa kundi mga kampon ni dark king na sumapi sa mga tao." Sabi pa nya dahilan para mapasinghap ako sa gulat.
Napatakip ako ng bibig at napatingin sa paligid. Teka? Tama ba yong narinig ko kanina? Monarchy? Bakit parang pamilyar? San ko na narinig ang salitang yan?
Nilibot ko ulit ang tingin sa paligid. Bakit mukhang wala naman atang tao?
Tinignan ko ulit sina nikolou. "Nasan sila?" Takang tanong ko.
Sumenyas naman silang sumunod ako sa kanila kaya yon ang ginawa ko.
Nang sundan ko sila ay napatanga nalang ako sa nadatnan ko.
Anong ginagawa ng limang shokoy na to rito?
Ang tinutukoy ko ay ang mga alaga ko na ngayon ay nakaharap sa maraming tao.
May napansin naman ako sa mga kaharap nong limang alaga ko kaya nilingon ko sina firus.
"Tama ang nasa isip mo prinsesa, kakaiba ang aura na nanggagaling sa mga taong yan dahil sinapian sila ng mga darkinians." Sabi ni dominus na mukhang alam ang nasa isip ko.
Kinain naman ako ng pag-aalala habang nakatingin kina Brandon na mukhang walang alam sa tunay nilang kalaban.
"Please protektahan nyo ang mga alaga ko. Alam kong may lakas sila pero mahina yon kumpara sa kapangyarihan ng darkinians." Pakikiusap ko kina dominus.
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasiSi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...