Avril chlea's povHabang naglalakad ako papunta sa classroom ko ay lutang ang isip ko sa sinabi nila dominus. Kailangan ko na nga talagang umalis at bumalik sa mundo ko.
Matapos ng pag-uusap namin kanina nila dominus ay sinabihan ko muna silang lumipad sa ere at bumaba nalang dito sa lupa pag tinawag ko sila. Hindi sila pwedeng makita dito sa eskwelahan, baka ipalabas lang sila.
Nang pumasok ako ay parang bumalik sa normal ang lahat. Parang walang paki-alam sa paligid ang mga kaklase ko. Ang kaibihan nga lang ay may dumagdag sa klase. Si Audrey na ngayon ay kausap yong lima.
Mukhang wala namang nakapansin sakin na late ako kaya umupo nalang ako sa harapan kung saan ako umuupo.
Nakinig nalang ako sa guro na nagsasalita pero ang isip ko ay nasa anim na taong nasa bandang likod.
Kahit malayo sila ay naririnig ko pa rin ang usapan nila. Nag-uusap sila sa gagawin nila mamaya. Mukhang may pupuntahan sila kasama si Audrey.
Uuwi na naman ba akong mag-isa? Eh kung hindi nalang kaya ako umuwi? Pumunta nalang kaya ako kina dominus at makipag-usap para sa gagawin? Tama-tama!
Kung hindi nyo pala naiitanong. Kilala ko sila dominus. Mga prinsepe sila sa mundo ng mahika. Katulad ko ay mga malalakas din sila. Hindi ko lang alam kung bakit sila ang sumundo sakin. Hindi ko pa sila natatanong tungkol don.
Si prinsepe dominus ay prinsepe ng kaharian ng mga hangin.
Si nikolou ay prinsepe ng kaharian ng lupa at kapaligiran. Ang Earthus kingdom.
Si firus ay prinsepe ng kaharian ng apoy. Ang Flamos kingdom.
Si Renant naman ang prinsepe ng kaharian ng tubig. Ang Aqualiq kingdom.
Si Philip naman ang prinsepe ng kaharian ng mga kasamaan at kabutihan. Ang Demongel kingdom. Sila ang nagbabalanse ng kasamaan at kabutihan. Isa ang kaharian nila sa kailangan bigyan ng pansin. Dahil pag ang kahariang to ay mas pinili ang kasamaan, malaki ang magiging pinsala nito at baka magapi ng kasamaan ang kabutihan. Nasa pamumuno din nila ang mga witch, bampira at mga asong lobo.
Habang ang kaharian naman namin ang namumuno sa lahat ng mga kaharian. Hindi pa sinasabi ni Ina sakin ang tunay kong kakayahan kaya hindi ko alam kung anong nasa kaharian namin. Pero Sabi naman ni Ina, nakasalalay samin ang kinabukasan ng lahat ng mundo. Hindi lang ang mundo ng mahika, kundi ang mundo ng mga tao.
Marami pang kaharian sa amin pero hindi pa yon naituturo ni Ina. Inaasahan ko na sana, pagbalik ko ay sya ang aking guro. Babalik na talaga ako.
Hayyy....
"Ms. Santiago!"
Nabalik ako sa sarili nang marinig na tinatawag ako ng guro. Napatingin ako sa harap. Masama ang tingin sakin ng guro at halos lahat ng mga kaklase ko ay nakatingin sakin. Kakahiya! Lutang ako!
Tumayo ako. "Yes ma'am?" Hindi siguradong sabi ko.
Tinaasan naman nya ako ng kilay. "Are you with me the whole time I'm talking?"
Napalunok naman ako saka yumuko. "H-hindi po ma'am. Sorry po."
"Take your seat and listen to me!" Mataray na aniya at tumango naman ako saka umupo.
Yong Iba pag hindi nakikinig, hindi nya napapansin. Tapos ako na ngayon lang hindi nakinig napansin agad nya? Grabe!
Hindi ko nalang muna inisip sila dominus at tinuon nalang ang atensyon sa harap.
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...