Chapter 26

3.2K 98 5
                                    


Avril chlea's pov

Nakapameywang lang ako habang nakatingin sa limang damuho na tahimik na kumakain habang sapo ang ulo at hindi maipinta ang mukha.

Umalis muna si Butler lim dahil may kukunin muna sya sa labas daw.

"Ilang araw na akong nandito pero hindi ko alam kung nasan tayo. Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito? Bakit dinamay nyo na naman ako sa gulo nyo?" Inirapan ko sila. "Sino ang mga lalaking yon kahapon? Tsaka kaninong bahay to? Pwede bang sabihin nyo sakin kung anong nangyayari?" Huminga ako ng malalim.

Tahimik lang silang nakatingin sakin. Nairita naman ako. Kala mo inosente!

"You don't have to know everything but to clear up somethings, you're here for 1 week vacation.......plan." Si Brandon ang nagpaliwanag. "But the vacation turns to hell so, enjoy?"

Napangiwi naman ako. "Ang galing nyo sa part na yon." Tinaasan ko sila ng kilay. "Sino namang may sabing gusto ko ng bakasyon?"

"Nobody, we insist." Sa Drake naman ang sumagot sakin.

Inirapan ko sila at tinalikuran. "Uuwi na ako kaya palabasin nyo ko dito!"

"Pero may mga kaaway pa kami sa labas!" Sigaw ni rhen yon. "In fact, nandun si Butler lim para harapin sila."

Nanlaki ang mata ko sa narinig at kaagad na humarap don sa Lima. "Sya lang mag-isa? Bakit hinayaan nyo? Marami ba sila? Kaya ba ni Butler lim yon?" May bahid ng gulat at pag-aalala sa boses ko.

Tinaasan ako ng kilay ni Drake. "You shouldn't react like that. You don't know him so stop acting like you're worried sick."

Nainis ako sa tinuran nya. "Nag-aalala ako sa tao dahil nakita ko Kung gano karami ang taong kaaway nyo. Wag nyo Kong itulad sa inyo na walang puso!" Tinalikuran ko ulit sila at pumunta sa harap ng pinto na pinasukan namin kahapon.

Hinawakan ko ang doorknob at ganon nalang ang panlalaki ng mata ko nang hindi ko yon mabuksan.

"You can't open that." Boses ni Brandon yon na nasa likuran ko lang. Hinarap ko naman sya at tinignan ng masama.

"Buksan nyo to!" Sigaw ko at sinubukang buksan ang pinto pero hindi ko mabuksan.

"The lock is in the outside so you-----we can't open that door. Unless, the people outside will open the door from outside." Nakapamulsang sabi pa nya dahilan para malukot ang mukha ko.

"Sinungaling!" Sigaw ko dito. "Pano nakalabas si Butler lim Kung nandito tayong lahat sa loob?"

Umiling-iling naman si Drake habang palapit sa kinaroroonan namin. "Stupid, dorky. May bantay sa labas para mabuksan ang pinto. But of course, hindi namin sasabihin sayo pano buksan ang pinto. Magbabakasyon ka pa----tayo." Saka sya ngumisi kaya mas lalo akong nainis.

"Anong bakasyon naman ang gusto mong gawin ko? Ang makipag-patayan sa mga kaaway nyo? Ang umilag sa mga baril na papunta sa deriksyon ko? Ang makipaghabulan sa kapwa nyo demonyo? No thanks!" Sikmat ko.

Umakting naman si rhen na parang nasasaktan habang nasa may bandang dibdib ang kamay nya. "Ayaw mo ba kaming makasama eya? Nakakasakit ka na ah!"

Inungosan ko sya. "Bakit ka pa nagtatanong? Alam mo na ang sagot dyan!"

Iniwan ko sila don at pumasok sa kwartong tinulugan ko kanina.

Nang maalalang wala pa pala akong ligo ay lumabas ako ng kwarto at hinarap ang mga impakto kong kasama na mukhang natigilan nang makita ako.

"Maliligo ako, nasan yong mga damit ko?" Inis kong sabi sa kanila para maitago ang hiyang nararamdaman ko. Para naman kasi akong boss kung umasta pero hep----sila mismo ang tumangay sakin dito kaya hindi dapat ako mahiya. Sila ang may kasalanan nito.

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon