Chapter 42

2.8K 90 3
                                    


Avril chlea's pov

Busangot ang mukha ko habang nakaharap sa limang alaga ko. Pano na naman kasi, kanina pa kami praktis ng praktis sa sayaw para sa acquaintance party.

Halos dalawang linggo na rin silang nagpa-praktis pero nahihirapan pa rin silang lahat lalo na sya, dahil ang mga kasama nya ay mga isip bata.

"Pwede bang magseryoso kayo?" Paki-usap ko sa kanila.

Tinaasan ako ng kilay ni Drake. "Mukha ba kaming clown dito?" Tanong pa nito.

Inirapan ko sila at kinuha ang mataas na stick sa gilid.

"Subukan nyong hindi magseryoso tatamaan kayo sakin." Pagbabanta ko pa kahit alam ko namang walang epekto kasi mga loko tong kaharap ko. Nag-effort pa ako!

"Eya......" Seryosong tawag sakin ni rhen. Napakunok ako nang makita kung gano kaseryoso ang mukha nito. "Sinong niloko mo? Buwahahah!"

Ano pa nga bang aasahan ko? Eh mga loko-loko tong kasama ko. Hayyy buhay.

"Magseryoso na nga kayo! Limang linggo nalang at magaganap na ang acquaintance party at wala pa tayong natatapos." Himutok ko sa kanila.

Inakbayan naman ako ni Louie. "Bakit ba parang nagmamadali ka?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanila nang sabay-sabay silang tumingin sakin.

Ang totoo ay minamadali ko ang praktis namin dahil pagod na ang katawan ko at gusto ko ng magpahinga.

Pano ba naman kasi, alas tres palang ay training ko na kasama yong limang prinsepe. Tapos ay hindi pa man ako nakakapagpahinga ay bubulabugin na ako ng limang lokong to. Uutusan ng kung ano-ano tapos ay aasarin ako.

Tapos pagdating ng alas syete ay praktis na namin sa sayaw tapos itong mga kasama ko wala yatang balak magseryoso.

Yong ang sarap manapak? Yong malakas na malakas ah na kahit utak nong sinapak mo hindi na babalik sa tamang pwesto. Pwedeng masubok lang? Kahit Isa lang. Okay na ako!

"Kasi malapit na ang sayaw at ayaw kong mapahiya tayong lahat sa harap ng mga tao." Dahilan ko.

Ngumiti naman si Brandon. "Then let's practice. This time, we'll take it seriously."

Parang tumalon naman ang puso ko sa ngiting yon. Hindi ko pa rin nakakalimutan na crush ko ang isang to!

May tumikhim sa likod ko kaya tinignan ko ito at Ganon nalang ang pagbilis ng tibok ng puso ko nang makitang si cloud yon.

"Let's start." Malamig nyang Sabi at sandali akong tinignan ng masama tapos ay tinalikuran kaming lahat.

Oh diba? Abnoy ang alaskang yon!

Nagkatinginan naman kaming lahat at sabay na nagkibit-balikat dahil hindi namin alam ang tumatakbo sa isip ng isang yon.

Nandito kami ngayon sa dance studio ng mansyon at talagang kaming anim lang ang nandito. Yong limang prinsepe naman ay nagtutulungan ngayon para makuha lahat ang mga alagad ni dark king dito sa mundo ng mga tao.

Ang dinadahilan nila ay pupunta sila sa mga kaibigan nila kung nagtatanong yong limang alaga ko.

Nagsimula na nga ang praktis namin. Tawag nila sa sayaw na ito ay sweet dance kuno. Ang sayaw ay malamyos pero masarap sa tenga.

May mga entrance chuchu pa kami hanggang sa umabot na don part na isasayaw ko yong lima. Una kong nakapares ay si rhen.

"Hai babe!" Masiglang sigaw nya nang makalapit ako sa kanya.

Magic Princess Living With The Five BadboysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon