Drake's povTahimik lang kaming kumakaing lahat nang biglang magsalita si tanda. Tsk.
"Eya" tawag pansin nya kay eya. Tumingin naman kaming lahat kay eya na napatigil din sa pagkain. "Where you and rhen go yesterday? Why you arrive late yesterday?"
Kahit ako ay naagaw din ang atensyon sa tanong ni tanda. Magkasama si eya at rhen? Fvck? Bakit hindi sinabi samin ni rhen to? Anong nangyari? Fvcking rhen!
Halos kaming lahat naghihintay ng sagot ni eya habang si rhen ay kumakain ng chocolate cake at mukhang walang paki-alam sa mundo.
"Bakit mukhang pagod na pagod ka?" Tanong pa ni tanda nang hindi makasagot si eya.
'Pagod?'
"Hinihingal pa." Sabi na naman ni tanda.
'Hinihingal?'
"Pawis na pawis." Sabi na naman ni tanda.
'Pawis na pawis?'
"At lumabas ka sa kotse ni rhen." Sunod na namang sinabi ni tanda. Wala ng ibang nagsasalita kundi sya lang.
Bumaling si tanda kay rhen. "Rhen bakit kayo magkasama ni eya kagabi?"
'Magkasama sila. Sila lang dalawa.'
"Anong ginawa nyo?"
'May ginawa ba sila?'
"Bakit namumula ka habang papasok sa loob ng bahay?"
'Namumula? Ibig sabihin nahihiya si rhen! Saan naman kaya?'
"Pinagod mo ba si eya?"
'Pinagod saan?'
Lahat kami ay nakatutok kay rhen. "Halata naman kung anong ginawa namin." Lahat kami natigilan sa naging sagot ni rhen.
'Did they do 'that' thing? Ow fvck!'
Patuloy pa rin si rhen sa pagkain ng cake at hindi alintana na lahat kami ay nakatutok sa kanya kahit si eya.
"Syempre mapapagod talaga sya." Patuloy na sagot ni rhen. "Tagal nga naming natapos eh. Tatlong oras."
O.O
Fvck!
Lahat kami ay binalingan si eya. "T-tatlong oras? Tumagal ka ng tatlong oras?" Nauutal na tanong ni louie.
Nagtatakang tumingin samin si eya. "Bakit? Hindi nyo pa ba nagagawa yon?" Imbis na sumagot ay yon ang naging tugon nya.
Mas lalo kaming nagulat sa sagot ni eya.
"Syempre, kilala nyo naman si rhen. Hindi mahindian, kahit ayaw ko na, sige pa rin ng sige."
'Oh fvck! Ginawa talaga nila yong 'ano' eh!'
"You really do that? You two do that?" Hindi makapaniwalang tanong ni tanda.
"Oo" napasinghap kami sa sagot ni eya. "Namasyal kami tapos kumain. Nong dinala ko si rhen sa street foods, aayaw-ayaw pa pero nang nakatikim na ay hindi na umalis don sa stall. Tatlong oras kaming kumakain don."
Napanganga kaming lahat sa sinabi ni eya. Hindi kasama si cloud. Nakikinig lang sya pero wala pa rin syang reaksyon.
'Ibig sabihin hindi pa nila ginawa yong 'ano' tama ba?'
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...