Avril chlea's povNagising ako na wala na si rhen sa kwarto ko. Kaya naligo, nagsipilyo muna ako at inayos ang sarili bago naisipang lumabas.
Natulos ako sa kinatatayuan at nakaramdam ng kaba sa dibdib nang makita ang mga kasama ko na may hawak na nga baril at nililinis nila yon.
Seryoso ang mukha nila at mukhang saaabk sila sa gyera. Sasabak ba talaga sila?
Tumikhim ako para makuha ang atensyon nilang lahat. "Anong nangyayari? Saang gyera kayo pupunta?" Biro ko at mahinang natawa pero ang tawang yon ay napunta sa ngiwi dahil seryoso lang sila habang nakatingin sakin.
Lumapit ako sa kanila at tinignan ang ginagawa nila. "Seryoso ako, San kayo pupunta? Bakit kayo may hawak na ganyan?"
Si Louie ang sumagot sakin.
"We want this done and continue the first plan when we're going here, to have a vacation. Let's start this baby!" Pinatunog nya ang baril na hawak at saka tumayo. "I need a lucky charm. Kiss from you will do." Nakangising sabi ni Louie.
Nandidiring tinignan ko naman sya. "Wag mo nga akong kausapin. Baka masuntok kita eh."
Napadaing naman si Louie nang makatanggap ng batok galing kay Drake, Brandon at rhen.
Humarap ako kay butler Lim na alam kong matinong kausap ko lang dito. "Saan kayo pupunta?"
Ngumisi naman ito. "Being a hero, I guess?" Mayabang nitong sabi.
Binangga ko naman sya sa balikat. "Gago hindi bagay sayo."
Hindi makapaniwalang tinignan naman ako nito. "Did you just called me Gago? Ouch. That's the last word I want to hear from you miss chlea."
Napangiwi ako sa naging tawag nya sakin. "Eya nalang, para kaibigan na tayo."
"Walang pagkakaibigang magaganap!"
Nagulat kami nang biglang pumagitna si rhen samin at isigaw ang mga katagang yon.
Sinamaan ako ng tingi ni rhen. "Eya ah! Wag kang magpapadala sa nilalang na Ito! Isa syang hudyo!" Sigaw na naman ni rhen.
Inirapan ko sya. "Who you ka sakin. Wala akong kilalang baliw." Natawa naman ni butler lim sa sinabi ko dahilan para awayin sya ni rhen. Napailing nalang ako sa kakulitan nong dalawa. Lalo na si rhen.
May umakbay naman sakin at nang tingalain ko yon ay nakita ko si Drake na may ngisi sa mga labi.
"Louie is right, we need a good luck charm." Nakangiting sabi pa nya. Nagulat ako nang ipinihid nya ako paharap sa kanya at saka niyakap.
"Group hug!" May kung sinong sumigaw at boses yon ni rhen.
May bigla nalang dumagdag sa yakap at namalayan ko nalang na nakayakap na ang lahat sa amin. Pati na si butler Lim na pilit inilalayo ni rhen.
Nawala naman ang ngiti ko nang makita si cloud na tahimik lang sa isang tabi at nakatingin sa amin. Walang emosyon sa mukha nya na hindi naman nakakabigla.
Nang magsi-alisan ang mga loko sa yakap ay lumapit ako kay cloud. Tinignan ko ang paligid at nakita kong abala naman silang lahat kaya okay lang na kausapin ko si cloud.
"Cloud......" Mahinang tawag ko sa kanya pero hindi man lang nya ako tinignan.
Umupo ako sa gilid nya at tinitignan ang ginagawa nya.
BINABASA MO ANG
Magic Princess Living With The Five Badboys
FantasySi Avril chlea Santiago- isang babaeng galing sa isang mundo at napadpad sa mundo kung saan maraming gago, sa planetang earth. Sa pagdating nya sa mundong to, marami syang makikilala, malalaman at makakasalamuha. Pinasok ang iba't ibang trabaho at t...